I-FLEX
ni Jun Nardo
APRUBADO ng pamilya Gutierrez – Richard, Raymond at sisters in law – Sarah Lahbati at Alexa–ang bagong negosyo ni Ruffa Gutierrez na hygiene products na Gutz and Glow.
“Sila ang over all nag-approve sa family chat namin!“ bulalas ni Ruffa sa launching ng produkto.
Humarap sa entertainment press si Ruffa kasama ang partner niyang si Maricor Flores.
Gamit din ni Ruffa ang produktong para sa kanyang “down under.” Eh si Harlene (Bautista) plano ba niyang bigyan ng produkto?
“Oo naman. Bibigyan ko naman si Harlene of course! Isa ring pintasera ‘yon, ‘di ba? Ha! Ha! Ha! Mabait pero she knows what she wants. She only likes the best!” tugon ni Rufing.
Kumusta naman ang down there niya ‘pag ginagamit ang produkto niya?
“Yes, I tried them all. I just can’t sell it without trying them all!
“Oh, it’s very fresh! Mabango! Maputi at katakam-takam! It’s true especially now that it’s summer!” diin ni Ruffa sa benefits ng produkto sa kanyang “down there” na ang tinutukoy ay ang produkto para sa keps! Ha! Ha! Ha!
Teka, si senatoriable Herbert Bautista ba ang nagpapa-glow sa kanya ngayon?
“Well, siya ang nagpapa-glow sa akin kasi he motivates me. And he guides me and I think that’s what I really need right now, ‘di ba? Tama ‘yung sinabi niya sa isang interview na we motivate each other. We work in a mature relationship,” saad ni Ruffa.
Eh dahil sa motivation ni Bistek, nakapagtapos ng college course na Communication Arts at sa July ay makakaranas na siya ng graduation.
“Wala sa amin ‘yung let’s get married na. We’re focusing on our goals individually! It’s a very relaxed and happy companionship! No pressure! ” diin pa ni Ruffa.