Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
GB Sampedro Wilbert Ross Denise Esteban Angela Morena Katrina Dovey Migs Almendras

Direk GB at Viva susugal sa kakaibang serye

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NANINIWALA si Direrk GB Sampedro na ito na ang tamang panahon para mag-evolve o matanggap sa mainstream ang mga pelikula o series na ang tema ay ukol sa sex. May temang sex ang bagong seryeng gagawin at ididirene ni Sampedro para sa Vivamax, ang High on Sex na tatampukan nina Wilbert Ross, Denise Esteban, Angela Morena, Katrina Dovey, at Migs Almendras.

Paliwanag ni Direk GB sa isinagawang story conference, “Para sa akin dapat nag-e-evolve ang market natin. Hindi lang tayo dapat nag-i-stick sa mga nakagawiang napapanood o the usual nga na tinatangkilik ng manonood natin sa pelikula o series. Kung mapapansin natin sa ibang bansa na ang mga flat form nag-e-evolve sila eh. Nag-e-eksperimento sila and it’s high time na mag-eksperimento tayo and it’s high time na i-consider natin na mag-offer ng kakaiba para rito sa ating market dito sa Pilipinas.”

Naniniwala rin si Direk GB na may market ang ganitong tema ng pelikula. “‘And naniniwala kong may market ang ganito rito sa Pilipinas. ‘Yun ngang mga bagong ipinakikita natin ay tinatangkilik so, I think tayong mga Pinoy naman siguro it’s about time na makatikim ng something new.”

Hindi rin nagdalawang-isip si Direk GB na ilagay ang sex sa title ng kanilang series. “Kasi hindi ko naman tinitingnan ang sex na something immoral or something na parang ikahihiya o hindi dapat pag-usapan. Kasi ibang panahon na tayo ngayon eh. So, dapat pinag-uusapan nga natin iyan para aware ang mga kabataan sa kung ano ang mae-experience nila sa buhay nila. Pero siyempre kailangan may mga iko-consider din tayo sa paggawa ng ganitong series.”

Ang High on Sex ay 8 part sexy comedy series na mapapanood sa Vivamax. Kasama rin dito sina Katya Santo, Rob Guinto, Marco Gomez, Micaella Raz, Andrea Garcia, Mark Carpio, Sheree Bautista, Juami Gutierrez, Joe Vargas, at Jiad Arroyo. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …