I-FLEX
ni Jun Nardo
TRENDING again ang host-actress na si Toni Gonzaga sa Twitter. May kinalaman ito sa pahayag niya sa Cebu sa rally ng Uniteam.
Naglabasan sa social media ang statement ni Toni na, “Konting-konting panahon na lamang at magbabalik na si BBM sa kanyang tahanan – ang Malacanang.”
Sari-saring batikos ang komento kay Toni sa Twitter. Pero si Toni, deadma sa lahat, huh!
Naku, sa isang buwan eh eleksiyon na kaya matatapos na ring lahat ang mga batikos na ito kay Toni.