ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
NILINAW ng Vivamax star na si Cindy Miranda na hindi accurate na sabihing mas marami pa raw ang hubaran sa seryeng Iskandalo, kaysa sa kuwento nito.
Bukod kay Cindy, tampok dito sina AJ Raval, Ayanna Misola, Angela Morena at baguhang si Andrea Garcia. Dadagdag din sa init ang dating FHM cover na si Jamilla Obispo.
Esplika ni Cindy, “Unang-una, mali po iyong haka-haka nila…. So, kailangan talagang panoorin nila iyong Iskandalo, dahil hindi mas marami yung hubaran dito.
Kailangan nilang panoorin, this is a roller coaster of emotions, lahat ay ibibigay namin, hindi lang yung nasa isip nila.
“So, sana ay panoorin nila bago nila i-judge itong Iskandalo, napakaganda po nito, hindi po natin kailangang i-judge agad ang isang series at hindi natin kailangang papangitin ang image nito.”
Aniya pa, “Ang gaganda ng mga kasama ko rito, pinaghirapan namin ito, so sana ay ma-appreciate nyo po.”
Idinagdag pa ni Cindy na dito’y natupad ang dream niya na sumabak sa action dahil gumaganap siya sa serye bilang si Patricia na isang detective, na handang gawin ang lahat para linisin ang pangalan ng yumao niyang ama at ni Em (AJ), isang social media celebrity na iba-bash ng netizens matapos mag-viral ang sex video nito kasama ang hindi kilalang lalaki.
Sa masusing pag-iimbestiga ni Patricia sa kaso ni Em, malalaman na ang mga may motibo sa buhay ni Em, kabilang ang ex-boyfriend niyang si (Sean De Guzman), isang avid fan (Ayanna), ang mismong best friend ni Patricia (Jamilla), isang Congressman (Jay Manalo), isang senador (Joonee Gamboa) at mga magulang ni Em (Carlene Aguilar at Arnold Reyes.) Samahan si Patricia sa paglutas ng kasong ito na may malaking koneksyon sa kaso ng kanyang ama.
Ang Iskandalo ay mula sa direksiyon ng pinakamaangas na direktor ng Vivamax, si Roman Perez Jr. (Taya, House Tour, Hugas, Siklo).
Nagsimula na ang seryeng Iskandalo sa Vivamax at sa mga gustong makasilip ng kakaibang pampainit at pangiliti, mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store. Para sa mga magbabayad sa website, maaring magbayad sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para sa magbabayad naman gamit ang app, maaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para naman sa magbabayad gamit ang Ecommerce, maaring magbayad gamit ang Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Maari ring magbayad mula sa mga authorized outlets, kagaya ng Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.