I-FLEX
ni Jun Nardo
IPINAKITA ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang wax figure ng sarili na naka-display sa Madame Tussauds sa Singapore.
“I’m so honored and flattered to be the only to Filpino wax figure here in MT Singapore,”caption ni Catriona sa kanyang Instagram habang kasama sa picture ang wax figure na kamukha niya.
Ang wax figure ay replica ng kanyang isinuot na red lava gown sa pageant.
Sa caption pa niya, tatlong taon bago naisagawa ang launching ng wax figure niya. “Also ,as the only Filipino in MT Singapore, it brings me so much pride to have the PHILIPPINES sash front and center!”