Sunday , November 17 2024
Ana Jalandoni bikini

Wag matakot, lumaban tayo, ‘di tayo dapat sinasaktan — Ana  sa mga kababaihang binubugbog

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

NAKALULUNGKOT na sa panahong ipinagdiriwang ang International Women’s Month ay nataon pa ang naranasang karahasan at pananakit ng aktres at model na si Ana Jalandoni sa kamay ng boyfriend niyang aktor na si Kit Thompson.

Umiiyak na isinalaysay ni Ana ang mga nangyari at ibinahagi rin niya ang kanyang saloobin nang humarap siya sa mga press at media na nakasama niya ang kanyang ama na si Lawrence Jalandoni, kapatid na si Marie Jalandoni at ang bumubuo sa kanyang legal team na sina Atty. Faye Singson, Atty. Walter Baligod, Atty. Greg Tiongco, at Ms. Deanna Ang.

Ayon sa mga abogado ni Ana, sinampahan ng two counts of violence against women, illegal detention, at frustrated homicide si Kit sa fiscal’s office sa Tagaytay.

Sa huli, tinanong ng press si Ana kung ano ang maibibigay niyang mensahe sa mga babaeng katulad niya na nakaranas din ng karahasan at pananakit.

Sa mga babaeng katulad ko na nakaranas ng ganitong pangyayari, huwag kayong matakot. Dahil unang-una hindi tayo dapat sinasaktan ng mga lalaki. Kahit ano pang reason, hindi tayo dapat pinagbubuhatan ng kamay. Napapag-usapan naman po nang maayos. 

“Kaya po ‘pag nangyari sa inyo ‘yung ganyan, lumaban po tayo. Huwag po nating isantabi o kimkimin sa sarili natin dahil tayo rin ‘yung kawawa eh. Kailangan nating putulin ‘yang tali na iyan. Kailangan po nating labanan ‘yung takot na iyan. Dapat po lakasan niyo ang loob niyo,” sabi ni Ana.

Ano ang mensahe niya para sa kanyang sarili? 

“Sa ngayon po ang gusto kong sabihin sa sarili ko ay magpakatatag. Makipag-usap sa mga tamang tao. Ignore the negativity, good energy lang. Siyempre po lagi akong nagdarasal. Malaking bagay na nandiyan para sa akin ang pamilya ko at nagmamahal sa aking mga kaibigan. Siyempre po tuloy lang po ang buhay. Kahit ano pong dumating na pagsubok sa akin kailangan ko pong lumaban. Wala naman pong ibang magtatanggol sa akin kundi ang sarili ko.”

Humingi rin siya ng patawad sa daddy at kapatid niya na kasama niya sa presscon. “Sa daddy ko at kapatid ko, sorry,” sabay buhos na naman ng kanyang luha. “Nasaktan ko kayo sa pag-aalala sa akin.” 

Ano naman ang gusto niyang sabihin kay Kit? 

Kit, face yourself… face yourself,” maikli pero emosyonal na sabi ni Ana.

Ayon kay Ana, mapapatawad niya si Kit sa hinaharap pero kailangang panagutan sa batas ng nobyo ang ginawa nito.

Samantala, bilang isa ring babae at tagapagtanggol ng mga naaaping kababaihan, hiningan din ng press ng mensahe at payo para sa mga kababaihan ang head ng legal team ni Ana na si Atty. Faye.

“Sakto pa sa International Women’s Month, kaya nga if there’s one good thing that will come out from this is that more women will become empowered and have to courage to speak up and stand up kung may mga ganitong insidente. Most women kasi hindi nagsasalita and will just keep it to themselves. Hindi man iyon ang tama, pero kikimkimin na lang out of norm. 

“We don’t want to expose our dirty linens in public. So, ang magandang gawin hindi lang to speak up when things like this happen, but to try to avoid things para hindi umabot sa ganitong sitwasyon. Maganda ‘yung tanong kanina kung kinilala mo bang mabuti ‘yung karelasyon mo. Siguro that’s one step. Pero let’s be equal dito whether sa lalaki o sa babae, kilalanin nating mabuti kung sino ‘yung magiging karelasyon natin,” pahayag ni Atty. Faye.

Ipinapangako naman ni Atty. Faye kay Ana na ang buong legal team niya ay hindi siya pababayaan lalo na sa legal ng aspeto ng kaso.

About Glen Sibonga

Check Also

Robin Padilla WPS

Robin gagawa rin ng pelikula ukol sa West Phil Sea

IKINAGALAK ni Dr Michael Raymond  Aragon, Executive Producer ng WPS (TV/ Radio series na ipinalalabas ngayon sa DZRH TV at DZRH radio) at …

Ken Chan Café Claus

Ken Chan iginiit: Hindi po ako nanloko

ni JOHN FONTANILLA BINASAG ni Ken Chan ang pananahimik matapos mabigong pagsilbihan ng mga awtoridad ng warrant …

Yasmien Kurdi Rita Daniela Archie Alemania Baron Geisler

Yasmien aminadong may trauma pa rin kay Baron, pinayuhan si Rita

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Yasmien Kurdi sa radio program ni Gorgy Rula, natanong siya …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana

KathDen fans umalma, vloggers na nagpakalat ng HLA video clips tinalakan

MA at PAni Rommel Placente MAY ilang vloggers na nagpapakalat ng video clips na kuha …

Rhian Ramos Rita Avila

Rita Avila saludo sa kabaitan at marespeto ni Rhian Ramos

MATABILni John Fontanilla PURING-PURI ng beteranang aktres na si Rita Avila ang kabaitan at pagiging marespeto ng …