HINDI naduwag, umatras, o nakitaan ng kaba si presidential candidate Vice President Leni Robredo para harapin ang walong barako na kanyang katunggali sa pagkapangulo para sa isang presidential debate na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec).
Tulad ng walong katungali ni Robredo, buong tapang at tatag na sinagot ni Robredo ang lahat ng mga tanong na ibinato sa kanya ng moderator at maging ng kapwa niya kandidato.
Sa kabila nito, hindi nagpatalo at nagpadaig ang mga kalalakihang presidentiables.
Kabilang sa walong presidentiables na dumalo ay sina Senador Panfilo “Ping” Lacson, at Manny Pacquiao, Manila Mayor Isko Moreno, former National Defense Secretary Norberto Gonzales, Ka Leody de Guzman, former Presidential Spokesperson Ernesto Abella, Faisal Mangondato, at Jose Montemayor, Jr.
Hindi dumalo sa naturang debate si presidential candidate at dating Senador Ferdinand Marcos, Jr., dahil pinili niyang makasama ang kanyang mga tagasuporta.
Dahil dito, nabigo si Marcos na sagutin ang ilang mga tanong at akusasyon laban sa kanya na ibinato rin ng ilang mga kandidato.
Sa naturang debate, kanya-kanyang pagpupursigi at pag-akit sa mga mamamayan na sila dapat ang iboto sa darating na halalan dahil sa sila ang karapat-dapat.
Buong kompiyansang inilahad ni Robredo, “the last man standing is a woman.” (NIÑO ACLAN)