Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
salary increase pay hike

Pagrebisa ng minimum wage suportado ng kongresista

NAGPAHAYAG ng suporta si House Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera sa utos ni Labor Secretary Silvestre Bello III na rebisahin ang minimum wages sa buong bansa.

“We fully support Secretary Bello’s directive to all regional wage boards to expedite the review of minimum wages to help workers and their families weather the current oil crisis,” ani Herrera.

“It’s time to raise the minimum wages. We need to provide hardworking Filipinos a lifeline as they suffer the dual shock of COVID-19 and oil price hikes,” dagdag ni Herrera.

Naunang inutusan ni Bello ang lahat ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) na rebisahin ang daily base pay ng manggagawa.

Ani Bello, napapanahon ang pagrebisa sa sahod sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na ang itinuturong dahilan ay ang sigalot ng Ukraine at Russsia.

Sang-ayon si Herrera sa sinabi ni Bello na ang kasalukuyang daily minimum wage sa National Capital Region (NCR) na P537 ay hindi na sapat para sa presyo ng pangunahing bilihin at mga bayarin sa koryente at tubig.

Umaasa si Herrera na makapagpapalabas ng makatarungang pagtaas sa sahod ang bawat rehiyon sa bansa.

“It is imperative to provide workers and their families with the means to cope up with increasing costs of living, without hampering the growth and development of business and industry,” ayon sa mambabatas. (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …