I-FLEX
ni Jun Nardo
MATAPOS ang matinding tarayan ng mga beteranang aktres sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, mas batang set of stars ang magpapakilig naman sa papalit na installment na Her Big Boss.
Si Bianca Umali ang nag-iisang female lead habang ang male leads naman ay sina Ken Chan, Teejay Marquez, at Kelvin Miranda.
Pahinga muna tayo sa tarayan sa Mano Po Legacy na magtatapos ngayong Biyernes at kiligan time naman ang hatid ng kapalit nitong Her Big Boss.