Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jake Zyrus Topless

Pagta-topless ni Jake inulan ng batikos

MA at PA
ni Rommel Placente

MATAPOS sumailalim sa breast removal surgery limang taon na ang nakakaraan, walang takot na ipinost ni Jake Zruz sa kanyang Instagram account ang topless na picture niya para ipakita ang resulta ng kanyang operasyon.                   

Sabi niya sa kanyang post, “Pinag-isipan kong maige kung ipo-post ko ba ‘to. Kasi lagi kong iniisip kung anong sasabihin ng ibang tao.

“Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi pa rin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro dahil na rin sa standard ng karamihan,” umpisang paliwanag ni Jake tungkol sa desisyon niyang ibahagi sa publiko ang kanyang larawan.

Pero ngayon, palalayain ko na lahat ‘yun. Pagtawanan mo o hindi, hindi mo alam ang sakit, iyak at mga dugo na pinagdaanan ko bago ako nagkaroon ng confidence na buong-buo ko i-post ito.

“Masaya ako at gusto ko lang ipakita sa inyo na eto ako. Sa wakas, komportable sa nakikita ko. Hindi ako humihingi ng opinyon. Para ito sa mga kapwa ko transgender.

“Kung naghahanap kayo ng sign o confidence para ipakita at maging proud sa kung sino ka, tara sasabayan kita. Para sa’yo ‘to.

“Kung hindi ka man handa pa, okay lang din ‘yun. Lahat ‘yan may tamang panahon. Well. This is me guys. Mahal ko kayong lahat.”

Sari-sari ang reaksyon ng mga netizen nang makita ang topless picture ni Jake.

Sabi ng isa “Charice mag bra ka malaki pa s*so mo hindi pa flat katulad ng iba na tomboy na nagpaopera.”

Sabi naman ng isa, “Babae kapa rin ang iyong s*su ay nakaukwab pa rin, sagwa tuloy tignan.”

Reaksiyon  naman ng isa pa, “Nakakaasiwa yong dede hugis babae pa din.”

“100% babae ka parin, kasi ur born bilang babae ang Ganda ng buhay na ipinagkaloob ng Panginoon sau, bat MO sinira??? Pati talent u super sikat bat anu na kain u idol ka ng buong Pilipinas pero sinayang moooo why???? Ang laking kasalanan mo sa taas nyan Kay LORD… Tsakkkkkk.” ang mahabang reaksiyon ng isa pa.

Pero may isa namang nagtanggol kay Jake. Sabi nito ay huwag na lang patulan at deadmahin na lang nito ang pambabatikos ng bashers.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …