MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI pa man naipalabas ang suspense thriller movie na Takas na pinagbidahan nina Teejay Marquez at Janelle Lewis ay may part 2 agad ito ayon sa prodyuser nitong si Ms. Kate Javier ng Hand Held Entertainment Productions.
Kuwento ni Ms. Kate, kaya siya nag-produce ng pelikula ay gusto niyang makatulong sa industriya lalong-lalo na sa mga taong nasa likod ng kamera na sobrang naapektuhan ng pandemya.
Isang rason pa ni Kate ay nagandahan siya sa script ng pelikula nang mabasa ito.
Dagdag pa niya na abangan ang part 2 dahil mas doble ang suspense at thrill ng pelikula.
Happy si Ms. Kate sa outcome ng kanilang pelikula at sana ay magustuhan at tangkilikin ito ng mga Filipino na mahilig manood ng pelikula.