Saturday , November 16 2024
Herbert Bautista Ping lacson Tito Sotto Richard Gordon

HERBERT BAUTISTA OUT SA LACSON-SOTTO TANDEM
Gordon delikado

KINOMPIRMA ng tambalang Lacson-Sotto na hindi na kasama sa kanilang line-up si senatorial candidate at dating Quezon City Mayor Herbert Bautista, matapos magpadala ng liham kay presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson at vice presidential candidate Vicente “Tito” Sotto III.

Sa sulat ni Bautista kina Lacson at Sotto, nalilito siya dahil bagamat nais niyang manatili sa senatorial line-up ay hindi naman niya kayang iendoso ang naturang tambalan.

Dahil dito, tuluyang tinuldukan nina Lacson at Sotto ang pag-adopt nila sa kandidatura ni Bautista bilang isa sa kanilang senatorial line-up.

Nangagambang patawan ng diciplinary action ng Nationalist People’s Coalition (NPC) si Bautista dahil sa kanyang pagtalikod sa kanyang kapartido.

Kaugnay nito, nangangamba din mawala sa senatorial line-up ng tambalang Lacson-Sotto si re-electionits senator Richard “DicK “Gordon.

Sa sandaling makompirma na lantarang inendoso ni Gordon ang tambalang Leni-Kiko sa kanyang pagdalo sa kick-off proclamation rally sa Naga City, Bicol Region.

Ayon kina Lacson at Sotto, nais muna nilang kompirmahin ang lahat bago pormal na kakausapin si Gordon para makapagdesisyon.

Nanindigan sina Lacson at Sotto na pinapayagan nilang tumuntong sa mga entablado ng ibang tambalan bukod sa kanila basta huwag mag-endoso ng presidential at vice presidential candidates.

Nagbanta sina Lacson at Sotto na sandaling nalaman nilang ang isang adopted candidate na bahagi ng kanilang senatorial line-up ay nag-endoso ng ibang tambalan, awtomatikong magdedesiyon silang tanggalin sa line-up.

“Hindi kami madamot at pinipigialn silang sumama o tumayo sa ibang tambalang sa entablado basta huwag lang silang mag-endoso dahil ibang usapan na iyon,” ani Lacson.

Binigyang-diin nina Lacson at Sotto na nais nilang manalo ang lahat ng kanilang senatorial line-up at ipakilala ang kanilang mga plataporma de gobyerno.

Aminado sina Lacson at Sotto na epektibo ang ganitong sistema para sa kandidato ngunit kanilang inisip ang naging karanasan noong 2016 presidential, national at local elections ngunit wala rin silang inendosong tambalan.

Sinabi ng tambalang Lacson at Sotto, wala pa silang komunikasyon sa kampo ni senatorial candidate at dating Vice President Jojo Binay.

Ngunit tiniyak nilang nanatiling kasama si reelectionist Senator Joel Villanueva sa kanilang line-up, na hindi lamang nakapagpadala ng video greetings dahil kagagaling lang sa Covid. Mayroon silang maayos na komunikasyon sa kampo ni Villanueva.

Samantala, walang problema kina Lacson at Sotto ang pagdalo at pagtayo nina reelectionist senador Juan Miguel Zubiri at mismong kapartido ni Sotto na si reelectionist Sherwin “Win” Gatchalian.

Sinabi nina Lacson at Sotto, patuloy ang komunikasyon at pakikipag-usap nila ukol sa hindi nila pagtungtong nang personal sa entablado habang tumutuntong sa ibang entablado.

Ngunit sinabi nina Lacson at Sotto mayroon din namang hangganan ang lahat lalo na’t aminado ang tambalan na unfair para sa kanilang senatoriables na laging nasa entablado nila sa kabila ng endoso ng ibang tambalan.

Simula noong kick-off rally hanggang sa kasalukuyan ng kampanya, laging dumadalo sa pagtitipon at entablado sina senatorial candidate Dra. Minguita Padilla, dating Philippine National Police (PNP) chief Guillermo Eleazar, at dating Makati congresssman Monsour del Rosario.

Gayondin sina JV Ejercito na dating senador, at dating Agriculture Secretary Manny Piñol, samantala tanging kinatawan ang nagsalita kina Gringo Honasan, Zubiri, at Gatchalian. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …