TATLO ang iniulat na namatay kabilang ang isang bagong silang na sanggol dahil sa komplikasyong dulot ng CoVid-19 sa lalawigan ng Tarlac.
Kinompirma ng pamahalaang panlalawigan ng Tarlac, isang araw pa lamang matapos iluwal ang babaeng sanggol nang bawian ito ng buhay sa bayan ng Concepcion.
Samantala, residente ng bayan ng Capas ang 52-anyos lalaking namatay habang ang isa pang CoVid fatality ay isang 68-anyos lalaki mula sa bayan ng Gerona.
Nitong Linggo, 6 Pebrero, umabot sa 60 ang panibagong kaso ng CoVid-19 sa lalawigan, 249 ang gumaling, habang 504 ang aktibong kaso. (MICKA BAUTISTA)