I-FLEX
ni Jun Nardo
SINORPRESA ni Zoren Legaspi ang asawang si Carmina Villaroel sa lock in taping ng Kapuso series niyang Widow’s Web.
Pero hanggang tingin na lang si Mina kay Zoren na may distansiya sa kanya.
“So near yet so far. I can’t kiss or hug him so virtual hugs and kisses na lang,” caption ni Mina sa Instagram pic na magkalayo sila ni Zoren.
Sa isang post, saad ni Mina nang ihatid sa sasakyan ang asawa paalis, “My husband is so weet. I love you tatay @zoren_legaspi kahit maputi na ang buhok ko. Drive safely #zormina.”