Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ayanna Misola

Ayanna Misola nabigla sa pagbibida — ‘Di pa kasi nagsi-sink-in na artista na ako

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

GRATEFUL si Ayanna Misola sa Viva dahil pagkatapos siyang ipakilala sa mga pelikulang Pornstar2 Pangalawang Putok at Siklo na napapanood sa Vivamax, kaagad siyang binigyang pagkakataon para makapagbida at maipakita ang tapang hindi lamang sa pagpapa-sexy kundi ang husay sa pag-arte. Ito ay sa pamamagitan ng Kinsenas, Katapusan na pinamahalaan ni direk GB Sampedro.

Nagpapasalamat din si Ayanna dahil inalalayan siya nina Joko Diaz at Kier Legaspi lalo na sa mga maseselang tagpo.   

I feel so blessed dahil baguhan lang ako tapos may launching film na agad. Aware naman ako na hindi lahat ay nabibigyan ng ganoong opportunity kaya very grateful 

 ako sa tiwala na ibinibigay sa akin ng Viva,” sambit ni Ayanna na ang tema ng Kinsenas, Katapusan ay isang sexy-psycho-thriller na mapapanood na sa February 4 sa Vivamax.

Inamin ni Ayanna na hindi pa niya naiisip na isa na talaga siyang artista. “Medyo nabibigla ako dahil hindi pa nagsi-sink in sa akin na artista na talaga ako. Marami   akong mga upcoming project this year sa Vivamax na malayo talaga sa character ko in real life, pero game lang,” masayang paglalahad ng baguhang aktres.

Hindi naman nag-aalala si Ayanna na hindi katanggap-tanggap sa kanyang pamilya ag kanyang pagpapa-sexy. Aniya, “Tanggap ng family ko kung ano ‘yung pinasok ko. Naniniwala naman sila na stepping stone ko lang ‘yung mga ginagawa ko ngayon at darating ang araw na hindi ko na kailangang maghubad sa pelikula,” paliwanag nito.

Bukod kina Joko, Kier, at Ayanna, kasama rin sa pelikula sina Janelle Tee, Angela Morena, at Jamilla Obispo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …