Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Loiegie Dano Tejada

CEO & president ng Ms L’s Beauty and Wellness artistahin

MATABIL
ni John Fontanilla

ARTISTAHIN ang CEO & President ng napakatagumpay na negosyo na Ms L’s Beauty and Wellness na si  Loiegie Dano Tejada na dating modelo.

Kahit nga happily married na at may anak ay mukha pa rin itong bata, flawless, at napaka-sexy kaya naman ‘di mo aakalaing may anak na ito at puwedeng pumasa bilang leading lady.

Pero ayon  kay Ms Loiegie, wala siyang balak pumasok sa pag-aartista dahil mas focus ito sa kanyang  negosyo. Gusto nitong mapaunlad ang Ms L’s Beauty and Wellness para mas marami siyang matulungan at maturuang magnegosyo.

At kahit barely two months pa lang ang kanilang business ay libo-libo na ang kanilang distributor at sobrang dami ng tumatangkilik sa kanilang mga produkto. Ilan nga sa mga produkto nila na malaking tulong sa magandang kalusugan ng bawat Pinoy ang Bihaku Slimming and Whitening Capsule, Ketodiet Slimming and Whitening Juice, Insulin Instant Coffee Mix Drink, Barley Slimming and Whitening Juice Drink and Rejuvinating Set.

By next year ay  maraming produkto pa silang ilalabas na malaking tulong sa kalusugan ng bawat Pinoy at ang naglalakihang billboard sa buong Pilipinas na si Ms Loiegie at ang manyang business partners ang makikita.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …