I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGPOSITIBO sa Covid-19 si Congressman Alfred Vargas. Minabuti niyang maglabas ng official statement para sa kanyang nasasakupan at publiko na inilabas niya sa kanyang Twitter.
Ayon sa bahagi ng pahayag ni Cong. Alfred, gaya ng ibang nag-positibo sa virus, nakadama rin siya ng takot at pangamba na baka mahawa ang kanyang pamilya at mahal sa buhay.
“Sa kabila ng pangamba at quarantine, buo po ang ating pananalig at patuloy ang ating paglilingkod at pagbibigay-serbisyo,” bahagi pa ng statement ni Cong. Vargas.