Saturday , April 19 2025
dead prison

Riot sa Bilibid
3 PRESO PATAY 14 SUGATAN

ni MANNY ALCALA

TATLONG preso ang napaslang habang 14 ang nasugatan sa naganap na ‘riot’ sa loob ng compound ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng BuCor, pasado 6:00 pm nitong Linggo, nang mangyari ang kagulohan sa magkabilang grupo ng mga preso na nakapiit sa maximum security compound ng New Bilibid Prison sa Sampaguita Road, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City. 

Nabatid kay BuCor spokesperson Gabriel Chaclag,  kantiyawan umano ang pinagmulan ng away ng mga preso mula sa pagitan ng dormitories sa East  Quadrant hanggang may umalingawngaw na putok, at narinig na nasundan pa ng sunod-sunod na putok ng baril.

Dito nagsimula ang ‘riot’ ng mga preso na napayapa lamang nang nagresponde ang mga operatiba ng BuCor sa tulong ng pulisya.

Nabatid, ang tatlong napaslang ay may mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan habang ang mga sugatan ay may tama rin ng bala nang isinugod sa ospital ng piitan.

Ayon kay Chaclag, pitong PDLs na umano’y namuno sa ‘riot’ ang kinilalang hinuli at inilagay sa isolation area para sa disciplinary actions.

Sa ginawang clearing operations, isang improvised  kalibre .45 baril, dalawang 12-gauge shotgun na sumpak, at improvised deadly weapons ang narekober ng awtoridad.

Bukod pa ang dalawang 12-gauge shotgun na sumpak na may bala at ilang armas din ang isinuko sa awtoridad.

Pansamatala, ipinagbawal ang dalaw sa piitan sa patuloy na imbestigasyon ng mga opisyal ng BuCor  upang matukoy ang ibang sumali sa gulo. (May kasamang ulat ni GINA GARCIA)   

About Manny Alcala

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …