Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ayanna Misola

Ayanna Misola tumodo sa pagpapa-sexy sa pelikulang Siklo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATULOY sa pag-arangkada ang showbiz career ng newbie sexy star na si Ayanna Misola. After magpasilip ng kakaibang hotness sa pelikulang Pornstar 2: Pangalawang Putok mula sa pamamahala ni Direk Darryl Yap, muling masu­subok ang kanyang tapang sa bago niyang pelikula.

Tampok sa first movie niya mga veteran sexy stars na sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, at Maui Taylor. Ang mga newbies naman, bukod kay Ayanna ay sina Sab Aggabao, Stephanie Raz, at Cara Gonzales.

Napanood ito last month sa Vivamax at may kasunod na agad siyang project.

Ang titulo ng movie ay Siklo at tampok dito sina Vince Rillon, Christine Bermas, Andrew Muhlach, Rob Guinto, Joko Diaz, Alma Moreno, and Jonee Gamboa.

Ano ang role niya sa pelikula?

Sagot ni Ayanna, “Ako po ay gumaganap bilang si Sarah, live-in partner ni Ringo (Vince Rillon).”

Mas sexy ba siya sa Siklo, kompara sa Pornstar 2?

Tugon ng aktres, “I think yes. Mas naibigay ko pa po ‘yung sarili ko rito sa Siklo. I learned from my experience sa Pornstar 2,” nakangiting tugon niya.

Gaano siya ka-sexy sa pelikula? “Nag-all out po ako here,” deretsahang sambit ni Ayanna.

Si Ayanna ay 19 years old at alaga siya ni Jojo Veloso.

Nabanggit niya kung kailan at paano siya nakapasok sa showbiz, na hindi niya ini-expect na sa panahon ng pandemic siya mabibigyan ng break.

Aniya, “Last 2019, before pandemic ay laman na po talaga ako ng VTRs,  hanggang nai-refer po ako ng kakilala ko sa Philmoda Artist Management ni Tito Jojo Veloso. Hindi ko expected ito, akala ko talaga ay mabubulok na lang ako sa loob ng bahay dahil sa pandemic.”

Paano niya ide-describe ang pelikulang Siklo na pinamahalaan ni Direk Roman Perez, Jr.?

Esplika ng aktres, “Pinakamatapang na pelikula this 2022! Sampal na katotohanan po sa culture ng mga Filipino ‘yung story e… talagang kapupulutan ng aral.”

Nabanggit din ng aktres na mas nasanay na siyang magpa-sexy dahil sa bago niyang movie.

“Yes po, second movie ko na po ito… Kaya medyo nasasa­nay na ako, na-normalize ko na po ang ganito.”

Ano ang dapat abangan ng mga manonood sa Siklo?

Saad ni Ayanna, “Marami pong dapat abangan dito, lalo na’t pinaghirapan namin ang mga bawat eksena at isa na rin po rito ang launching naming mga new VIVA artists.

“Abangan n’yo po rito kung gaano kata­pang ang mga character, kung hanggang saan ba nila kayang lumaban para sa pag-ibig, hanggang saan ba sila dadalhin ng paghihiganti, kahirapan, at kapangyarihan.

“Sabi nga ni Direk Roman, ito ang pinakamakamundong pelikula, paparating na ngayong 2022 sa Vivamax!” Nakangiting saad ni Ayanna.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …