I-FLEX
ni Jun Nardo
GALING sa sariling bulsa ni Willie Revillame ang P9-M na kanyang itutulong sa ilang bayan sa Siargao Island na hinagupit ng bagyong Odette bago mag-Pasko.
Personal na binisita ni Willie ang ilang lugar sa Visayas at Mindanao ilang araw matapos ang bagyo. Humalili sa kanya si Michael V sa show niyang Tutok To Win habang out of town siya.
Pero muling babalik si Willie para personal na ibigay ang cash para ipamili ng pangangailangan.