Friday , November 15 2024
MRT-7

MRT-7 partially operational sa 4th quarter ng 2022

SA HULING quarter ng susunod na taon magiging partially operational ang Metro Rail Transit Line 7 (MRT 7).

Ipinangako ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unveiling ceremony ng bagong MRT train sets kahapon sa Commonwealth Avenue, Diliman, Quezon City kahapon.

“We are committed to make it partially operational by the fourth quarter of 2022,” ayon kay Duterte.

Ang MRT7 ay ang 24.7-kilometrong railway na may 14 estasyon na magkokonekta sa San Jose Del Monte City, Bulacan sa North Avenue sa Quezon City sa loob ng 35 minuto.

Inaasahang may 300,000 pasahero ang mapagsisilbihan nito sa unang taon ng operasyon at hanggang 850,000 pasahero araw-araw hanggang sa ika-12 taon.

“The MRT7 project will provide the public with a fast, efficient, convenient, safe and reliable transportation system that would result in the increased productivity of workers and businesses in Metro Manila and its nearby provinces” anang Pangulo.

“It is also good to know that this new train system will help minimize air pollution as it is a greener and more energy-efficient means of transportation. It will likewise contribute to a healthier and cleaner environment, thereby improving the liveability of the nation’s capital,” aniya.

Noong administra­syon ni dating Pangulong Benigno Aquino III sinimulan ang MRT7 project.

 (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …