Wednesday , May 14 2025
Teejay Marquez, Beauty Gonzalez

Teejay Marquez lagare sa paggawa ng pelikula

MATABIL
ni John Fontanilla

MUKHANG taon ni Teejay Marquez ang 2021 dahil after ng pelikulang Takas ay mayroon kaagad itong kasunod, ang After All na ididirehe ni Adolf Alix.

Makakasama ni Teejay sa After All ang click tandem ng Kapuso  na sina Kevin Miranda at Beauty Gonzales with Devon Seron.

Kuwento ni Teejay, ”Sobrang saya ko po kasi katatapos ko lang mag-shooting ng pelikulang ‘Takas’ tapong mayroon na kaagad kasunod, ito ngang ‘After All.’

“Sobrang excited to do the film dahil first time ko na makakatrabaho sina Kevin, Beauty and Devon, although si Devon nakakasama ko sa mga event.

“Bale sobrang ganda ng  story nito alam kong maraming Pinoy ang makare-relate sa movie.

“Iikot sa aming apat nina Kevin, Beauty and Devon ‘yung story, kung ano-ano ba ‘yung connection namin sa isa’t isa at ano ba ‘yung nagiging conflicts.”

Dagdag pa ni Teejay, nagsimula na silang mag-shooting ng pelikulang After All.

About John Fontanilla

Check Also

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis swak na endorser ng Belle Dolls Zero Filter Sunscreen, Rhea Tan idiniin kahalagahan ng skin care sa mga lalaki

SOBRANG thankful si Dennis Trillo na finally, officially ay part na ng Beautederm family ang …

Nadj Zablan Laya

Kantang Laya ni Nadj Zablan nabuo pagkatapos ng pandemya

MATABILni John Fontanilla TIMELY ang bagong kanta ng Pinoy Alternative Rock Singer-songwriter na si Nadj Zablan na Laya na …

VMX Karen Lopez

VMX star Karen Lopez ilang araw ng nawawala

MATABILni John Fontanilla HINDI makontak ilang araw na at nawawala ang VMX (dating Vivamax) star na si Karen …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …

COMELEC Vote Election

Konsensiya at puso gamitin sa pagboto

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ESPESYAL ang araw na ito para sa bansa. Huhusgahan na natin …