Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz

Sunshine ‘di tumatanda — Wala kasi akong problema

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI na yata tumatanda si Sunshine Cruz? Aba kung titingnan mo ang kanyang picture ngayon na mas maikli ang buhok, at iyong picture ng kanyang panganay na si Angelina sa kanyang Instagram account, sasabihin mong halos magkasing edad lang sila. Baka matanong mo pa kung talagang mag-nanay sila.

Magkamukha kasi talaga. Noong una nga naming makita ang picture ni Angelina akala namin si Sunshine iyon eh.

“Wala kasi akong konsumisyon at masaya na ako sa aking buhay. Dahil walang problema, nakikita rin naman sa hitsura na masaya nga,” ang may pagbibiro pang sabi ni Sunshine.

“Aba tito totoo po iyon. Noong nagsisimula kasi ako ulit, ang laki ng problema ko. Ako ang sumusuporta sa pag-aaral at lahat ng pangangailangan ng tatlong anak ko. Tapos ang worry ko pa noon, iyong ginagamit nilang sasakyan bulok na at kahit ipagawa mo nang ipagawa wala rin. Natatakot akong baka maaksidente pa ang mga anak ko. Awa naman ng Diyos, nagtuloy-tuloy ang trabaho ko kaya nalampasan naming lahat ang problema. Kahit na nitong pandemic na natigil ang trabaho, nahawa pa ako sa Covid, mabuti kahit paano may naiipon ako, at saka nariyan ang pamilya ko na tumutulong sa akin,” sabi ni Sunshine.

Pero ngayon nga, balik na naman siya sa trabaho kaya wala rin siyang problema.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Goitia BBM Audie Mongao

Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika May Tamang Lugar ang Pagtutol

Kapag ang isang aktibong opisyal ng militar tulad ni Audie A. Mongao ay hayagang nagbawi …

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …