Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
James Reid Nadine Lustre Jadine Ikea

Career nina James-Nadine mag-survive kaya kahit hiwalay na?

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKITA sina James Reid at Nadine Lustre sa isang shop noong isang araw, pero maliwanag namang hindi sila magkasama. Si James ay kasama ng kanyang mga barkada, samantalang si Nadine naman ay kasama ang kanyang boyfriend.

Nagkataon nga lang siguro na pareho sila ng interests sa mga ganoong lugar, isipin ninyo, matagal din naman silang nagsama at imposible bang magkapareho sila ng taste sa mga bagay-bagay?

Sa nangyayari ngayon, isang bagay lang ang maliwanag, totoo ngang split na sila. Hindi gaya noong una nilang ipinamalita na split na sila, pero nakikita pa rin silang magkasama sa mga watering holes, at kung minsan ang nakikita pang kasama ni Nadine ay ang tatay ni James. Pero ngayon mukhang wala na talaga at nagsimula lahat ng iyan nang ibinebenta na ni James ang bahay niya na ilang taon dinnilang naging love nest ni Nadine. Sa ngayon nga kasi na wala naman siyang ka-live in, at kailangan niya ng puhunan para sa mga pinapasukan niyang recordings, malaking tulong kung maibebenta niya ang bahay na iyon. Maaari siyang tumira na lang sa isang condo na ok din naman para sa kanya.

Sa parte naman ni Nadine, mabuti na rin iyong may boyfriend siyang iba na hindi nakikialam sa kanyang career. Ngayon  mukhang unti-unti na niyang naibabalik sa ayos ang kanyang career na walang ibang iniisip kundi iyon. Hindi gaya noong araw na ang nananaig ay iyong interest sa love team nila ni James. Hindi rin naman maaaring umasa siya kay James habang panahon, paano ngayong malamig na rin ang popularidad ni James?

Tamang diskarte rin naman ang ginawa ng mga producer nila noon, na paghiwalayin muna sila bilang love team noong lumalamig na ang kanilang popularidad. Natural may experi­mentation kung ano ang gagawin kay Nadine na siyang star nila talaga. Inihahanap siya ng ibang  eading man. Hindi mo masa­sabing mali, dahil isa sa nakasama roon ay si Marco Gumabao na sumikat naman. Siguro nga medyo may mali lang sa project. Baka wala lang sa timing.

Pero kung kami ang tatanungin, mas ok iyang hiwalay na sila, at dapat iyang ikatuwa ng kanilang fans kung magsu-survive sila sa kanilang career kahit na hindi sila ang magkatambal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists inanunsyo

IPINAKILALA na ng  Puregold CinePanaloang Top 20 student short films na napili mula sa 267 entries …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …