Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Trillo Jennylyn Mercado

Dennis at Jen babae ang magiging anak

RATED R
ni Rommel Gonzales

IBINAHAGI ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang kasarian ng paparating nilang baby.

Sa latest video sa YouTube channel ni Jennylyn, inilahad ng mag-asawa na ginawa nilang isang selebrasyon na lang ang kanilang kasal at gender reveal ng kanilang anak na isang babae.

Hiniwa nina Jennylyn at Dennis ang cake, hanggang sa natuwa ang kanilang mga panauhin na kulay pink na cake ang nasa loob, na nanganga­hulugang baby girl ang kanilang inaasahan.

“Noon pa lang, gusto talaga namin ni Jen na magkaroon na ng baby girl. Kasi siyempre ‘yung mga anak namin puro lalaki. Gusto naman namin ng ibang mapaglalaruan, bibihisan, lalong lalo na si Jen, tuwang tuwa siya sa baby girl,” sabi ni Dennis.

Dagdag naman ni Jen, mahilig sila ni Dennis na hiramin ang mga baby girl ng kanilang showbiz friends na sina Empress Schuck at Sheena Halili.

Inihayag din nina Jennylyn at Dennis na baby girl ang gusto nilang maging anak nang pinaplano nila ang surrogacy. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …