Monday , April 28 2025
Krystall Herbal Oil
Krystall Herbal Oil

Talsik ng mantika sa mukha hindi naglintos dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

        Ako po si Myrna Nograles, 43 years old, taga-Surigao del Sur, isang dating overseas Filipino worker (OFW), pero dahil sa pandemya ay hindi na muling nakaalis ng bansa.

        Nandito po ako ngayon sa Pateros, Rizal, naninilbihan bilang kusinera habang ang aking pamilya ay nagpasyang magpaiwan sa probinsiya dahil nga sa pandemya.

        Buti na lang po at may GCash at money remittance center na nakatutulong para mabilis akong makapagpadala ng ayuda sa kanila.

        Ang ise-share ko po, ay ang nang mapaso ako ng tumalsik na mantika sa aking pisngi.

        Nagpiprito ako ng pork chop nang biglang may pumutok at huli na nang malaman ko na mantika pala ‘yun, hindi ako nakailag at saktong tumalsik sa kanang pisngi ko.

        Pinatay ko muna ang kalan at agad po akong naghilamos ng running water sa gripo. Pagkatapos po noon, agad kong hinaplos ng Krystall Herbal Oil. Nakita ko sa salamin, namumula ang talsik ng mantika na sinlaki ng P20 coin. Ramdam ko ang hapdi habang ipinagpatuloy ko ang pagluluto.

        Kinabukasan paggising ko, tiningnan ko ang aking pisngi medyo namumula pa rin, pero walang paltos. Sabi ko ‘wag sanang magpaltos dahil tiyak na magsusugat at mag-iiwan ng maitim na peklat sa mukha.

        Sa ikatlong araw, nawala ang pamumula pero patuloy kong hinahaplos ng Krystall Herbal Oil para hindi magpaltos.

        Inabot din ng isang linggo ang pagpapagaling ko para makasiguro. Eksaktong one week, nakita ko nagbalat na ang dead skin, pero walang iniwan na sugat.

        Bilib talaga  ako sa Krystall Herbal Oil ninyo Sis Fely!

Lubos na nagpapasalamat,

MYRNA NOGRALES

Pateros, Rizal

About Fely Guy Ong

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

ICTSI Earth Day FEAT

Earth Day 2025: Panahon na para kumilos, hindi lang magdiwang

TAON-TAON, tuwing 22 Abril, ginugunita natin ang Earth Day — isang pandaigdigang kilusan para sa …

ICTSI Momentum Where is Matters Feat

ICTSI – Momentum Where it Matters (Earth Day)

Building from one-country operation at the Port of Manila in the Philippines, ICTSI has pressed …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …