MATABIL
ni John Fontanilla
POSITIBO at negatibo ang reaksiyon ng netizens sa paglabas ng mga sexy photo ni Bea Alonzo bilang calendar girl ng isang inuming panlalaki.
May mga nagsasabi na very timely ang pagpapa-sexy ni Bea dahil marami ang natakam na makita ang magandang hubog ng katawan nito at makinis na kutis.
Excited na nga ang ilang miyembro ng kalalakihan na magkaroon ng kalendaryo ni Bea na seksing-sexy sa mga larawan.
Pero kung may natuwa, mayroon din namang hindi na nagsasabi na kung kailan ito tumanda ay at saka pa ito nagpa-sexy, dapat daw ay ginawa niya ito ng bata-bata pa siya.
At sa estado raw nito bilang isa sa mahusay na aktres sa kanyang dekada ay hindi na niya kailangan ito at pinanatili na lang ang kanyang wholesome image.