Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ayanna Misola Ara Mina

Ayanna Misola, nagpasalamat sa suporta ni Ara Mina at co-stars sa Pornstar 2

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA si Ayanna Misola sa magsasabog ng alindog sa pelikulang Pornstar 2: Pangalawang Putok na mapapanood sa December 3 sa Vivamax.

Hatid ng VIVA Films at VinCentiments, ito’y mula sa pamamahala ni Direk Darryl Yap.

Tampok dito ang mga veteran sexy stars na sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, at Maui Taylor. Ang mga newbies naman, bukod kay Ayanna ay sina Sab Aggabao, Stephanie Raz, at Cara Gonzales.

Labis ang pasasalamat ni Ayanna nang pumirma ng kontrata sa Viva.

Aniya, “Imagine, kaka-sign ko lang po pero nabigyan na agad ako ng movie kasama ang mga legends when it comes to sexy films na sina Ate Ara Mina, Ate Maui (Taylor), Mommy Osang (Rosanna Roces) and Tita Alma (Moreno). I feel so blessed, I feel so blessed na nakatrabaho ko silang apat.”

Pahabol na komento pa ni Ayanna, “First Movie ko po itong Pornstar2, kaya super mixed emotions po talaga ako ngayon. Excited na kinakabahan na ako sa magiging reaction ng viewers, pero hopefully ay magustohan nila kung ano man po ang ipinakita ko roon.”

Ano ang role niya sa Pornstar 2?

Tugon ni Ayanna, “Ako po ay gaganap bilang si Trinidad (Trina), 19 years old, rich kid at isa po ako sa mga nangangarap na maging pornstar.”

Gaano siya ka-sexy sa film? “I think ‘yung mga viewers na lang po ang makasasagot niyan. Basta ako po, ibinigay ko ang best ko, isa na po riyan ang pagsabak ko sa breast exposure,” lahad pa ng magandang talent ni Jojo Veloso.

Sino ang karomansahan niya sa movie at ano ang pinaka-daring niyang eksena sa Pornstar2?

“Bale, ang ka-love scene ko po rito ay si Rash Flores. Feeling ko pinaka-daring na scene ko po sa Pornstar 2 is ‘yung scene na kasama ko si Rash. Kasi, totally nude siya roon at walang plaster-plaster talaga.”

Si Ara ba ang mentor niya sa Pornstar2?

“Yes po, pero roon pa lang siya sasabihin sa film. May scene kasi na pipili sila kung sino gusto nilang i-coach.”

Nabanggit din niya kung anong klaseng katrabaho si Ara.

Pakli ng aktres, “Yes, inalalayan po niya ako. Tinuruan niya po ako kung paano maging more sensual. Nahirapan kasi ako roon sa scene na may breast exposure.”

Ano ang ibinigay sa kanyang tip ni Ara sa pag-arte?

Lahad ni Ayanna, “Sabi po niya, i-feel ko raw po ‘yung character na ginagampanan ko.”

Dagdag niya, “Super caring niya po. Lagi siyang may pa-food and binigyan pa niya kami ng Ara Colours noong last day.

“So, masasabi ko po talaga na hindi lang siya mentor ni Trina (my character) sa movie, mentor ko rin po siya in real life. Sa kanya po ako nag-a-ask kapag may questions ako sa scene namin. And inalalayan niya rin po ako, itinuro niya sa akin ‘yung tama and dapat gawin sa mga eksena.

“Kaya super-thankful po ako sa kanya… actually lahat naman po silang apat na veteran stars ay may kanya-kanyang advice sa amin outside sa set. Ramdam ko po talaga ‘yung guidance nila,” nakangiting saad pa ni Ayanna.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …