Sunday , December 22 2024
Gerald Bantag BuCor Muntinlupa

Appointment ipinababawi kay Duterte
BANTAG NG BUCOR PERSONA-NON-GRATA SA MUNTINLUPA

PATULOY ang pagmamatigas ni Bureau of Corrections (BuCor) Director, Undersecretary Gerald Bantag na nasa tama ang kanyang ginagawa makaraang isara at lagyan ng harang ang kalsada na sakop din ng reservation compound ng Bilibid, hindi alintana ang prehuwisyo at hirap na daranasin ng mga residenteng nakatira sa Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.

Biyernes ng gabi nang magsagawa sa paglalagay ng hollow blocks sa kalsada ang mga tauhan ng BuCor na ikinabigla ng mga residente ng Katarungan Village 1 at 2 . Ang naturang dalawang village ay government housing project na ang mga nakatira ay pawang nagtatrabaho sa Department of Justice (DoJ).

Pero ang nasabing pader ay giniba ng mga galit na residente at kinabukasan sinira at hinukay naman ng taga-BuCor ang bahagi ng kalsada gamit ang backhoe sa mismong tulay para muling lagyan ng bakod na matibay at barbed wire.

Dahil sa naulit na pangyayari, ayon sa pamahalaang local, wala itong koordinasyon at konsultasyon sa kanila kaya muling nagsagawa ng emergency special  session ang city council sa pamumuno ni Majority floor leader Councilor Atty. Raul Corro,  tungkol sa illegal road closure and illegal eviction and demolition of informal settlers sa NBP reservation.

Ilan sa resolusyon ang pagkondena sa ilegal na aksiyong ginawa ng BuCor at mga opisyal na responsable sa pagsasara ng daan patungo sa Katarungan Village 1 at 2.

Apektado rin ang Muntinlupa National High School (MNHS) at Pamantasan Lungsod ng Muntinlupa (PLMun).

Dahil dito, idineklarang persona- non- grata si Bantag sa lungsod ng Muntinlupa.

Hiniling din kay Presidente Rodrigo Duterte, na siyang nag-appoint kay Bantag, na bawiin o baliktarin ang aksiyon ng opisyal sa ilegal na pagpapasara ng kalsada at demolisyon sa informal settlers sa NBP reservation, na anila’y paglabag sa Konstituyson at iba pang kaugnay na pambansang batas at mga ordinansa.

Noong Marso, unang binakuran ang kalsadang sakop ng insular prison patungong Southville 3 NHA housing project at sumunod na sinarhan ang daan sa Type B, na sakop pa rin ng NBP. 

Binibigyan din ng kapangyarihan ng city council si Mayor Jaime Fresnedi, sa pamamagitan ng legal office na puwedeng magsampa ng civil, criminal, at administrative cases laban sa mga opisyal ng BuCor.

        Ginagawa ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, ang lahat sa tamang proseso upang maresolba ang kontrobersiyal na usapin nang magkaroon ng pagdinig sa kongreso ang naunang  problema ng mga apektadong residente, bagamat ‘di pa umano nareresolba.  (MANNY ALCALA)

About Manny Alcala

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …