Saturday , April 12 2025
Iskomotion Marikina

Lugmok na industriya ng sapatos sa Marikina, inisnab ng gobyerno

PARA sa mga magsasapatos sa lungsod ng Marikina, inisnab ng gobyerno ang kanilang hiling na tulungan silang maiahon ang lugmok na industriya ng sapatos na apektado ng pandemya.

Ayon kay Engr. Mojica, isa sa mga lider at pinakamatandang magsasapatos sa lungsod, naniniwala siya na kayang gawin ni presidential aspirant at kasalukuyang allkalde ng Maynila Francisco “Isko Moreno” Domagoso na maibalik ang sigla ng industrya na iginupo ng mga murang imported na produkto ngayong pandemya.

Nakababanaag aniya sila na makaaahon sa lugmok na sitwasyon ang mga magsasapatos sakaling manalo sa halalan ang sinusportahan nilang kasalukuyang alkalde ng Maynila.

Una nang nagpahayag ng kanilang pagsuporta kay Moreno ang mga magsasapatos dahil alam nila umanong nauunawaan sila at ramdam ng alkalde ang kanilang kalalagayan.

Sa pagdalaw ng mga kandidato ng Aksyon Demokratiko sa pangunguna ni Dr. Willie Ong, senatorial candidates na sina Atty. Jopet Sison, Samira Gutoc, at Karl Balita, ipinahayag nila ang hangaring muling ibalik ang pagkilala nito sa buong bansa.

Kasama ng mga magsasapatos ng Marikina ang iba’t ibang volunteer group kabilang ang President Isko Movement, Oksi at Isko Volunteers Movement.

Samantala, matatandaan, unang nanawagan ang grupo ng magsasapatos sa Marikina sa pamahalaan na bilhin ang kanilang mga yaring sapatos at ipamahagi sa mga mag-aaral ngunit wala umano silang nakuhang tugon mula rito. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …