Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, Man, Woman, Money

Savings ni aktres halos maubos dahil sa actor at pamilya nito

TRULILI kaya na isa sa dahilan ng paghihiwalay ng magkarelasyong aktor at aktres ay dahil sa pera?

Nabanggit ito ng taong malapit sa aktres na halos naubos na ang savings niya dahil siya lagi ang gumagastos sa kanila ng aktor kasama pa ang pamilya nito na minsan ay kapos din.

Pero deadma lang si aktres dahil ayaw niyang mapahiya ang aktor dahil nga mahal niya pero napagod na.

“Siyempre kahit mahal mo ang isang tao, mapapagod ka rin kung paulit-ulit ang ginagawa, ‘di ba? Kahit na anong intindi mo kung walang pagbabago masasaid ka,” ito ang kuwento ng taong kaibigan ng aktres.

Sabi naman ng kaibigan ng aktor ay simple lang naman ang buhay nilang dalawa ng aktres kaya alam niya ay okay na ang ganoong buhay. Hindi niya ini-expect na may iba pang gusto pala.

“Gusto kasi ni (aktres), ‘yung lalabas sila, mag-out of town o out of the country kasi nga nakakaburyong ang pandemic ‘di ba, so maiba lang ‘yung routine na ginagawa at nakikita araw-araw,” tsika ng kaibigan ng aktor.

Dagdag pa, ”eh, alam naman nating walang regular work lolo (aktor) mo, ang baba nga ng talent fee niya, eh. Hindi pa naman siya prime artist.”

Bigla tuloy naming naalala na sobrang inilalako na si aktor ng manager niya noon na kahit anong role ay okay na sa kanya dahil badly needed at noong may kumuha ay nanghingi kaagad ng down payment kasi may paggagamitan. Maliit na halaga ‘yung hinihinging down payment kaya naisip naming gipit nga talaga.

Anyway, sana makabawi ang aktor sa career niya at si aktres naman na may project ngayon ay makaipon ulit.

“Magkakabalikan pa ‘yang mga ‘yan. Sobrang nadala lang sila ng damdamin nila,” say naman ng taong nasubaybayan ang simula nina aktor at aktres. (Reggee Bonoan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …