MA at PA
ni Rommel Placente
NOONG Wednesday, April 10 ay ipinagdiwang ni Pauleen Luna ang kanyang 33rd birthday. Nagkaroon siya ng intimate celebration. Dumalo rito si Danica at Oyo Boy Sotto, na mga anak ni Vic Sotto kay Dina Bonnevie, kasama ang kani-kanilang asawa at mga anak.
Ibinahagi ni Pauleen sa kanyang Instagram account ang ilan sa mga litratong kuha sa kanyang birthday party.
Sa comment section ay bumati si Danica. Sabi niya, “happy birthday again,” na may kasamang two heart emoji. Hindi inilagay ni Danica ang name ni Pauleen. Kaya naman isang netizen ang nagtanong kay Danica, curious ito, kung ano ang tawag ng panganay ni Bosing kay Pauleen.Sinagot ni Danica ang tanong at ang sabi niya ay Pauleen.
Pero ‘yung ibang mga cousin niya ay tita ang tawag sa TV host-actress.
Mas matanda si Danica kay Pauleen kaya siguro Pauleen lang ang tawag niya rito at hindi tita o mama. Ang mahalaga naman, kahit mas malaki ang agwat ng edad ni Bossing Vic kay Pauleen, tanggap nila ito ni Oyo para sa kanilang ama ‘di ba? At close silang magkapatid kay Pauleen.