Saturday , December 21 2024
Rodrigo Duterte, Sara Duterte, Elections 2022
Rodrigo Duterte, Sara Duterte, Elections 2022

Sara’s political move, Déjà vu

BULABUGIN
ni Jerry Yap

REPLAY ba itoo remake?

        ‘Yan agad ang pumasok sa isip ng inyong lingkod nang pumutok ang pag-atras ni Davao City Mayor Sara Duterte  sa kanyang re-election bid sa kanilang lungsod.

        Nabasa o napanood na ito ng sambayanang Pinoy. Sa katunayan, 16 milyong Filipino na naghangad  ng tunay na pagbabago ang naging biktima ng ganitong iskema.

        Wala namang nakagugulat sa ginawa ni Sara, marami lang reaksiyon na, “Sabi ko na nga ba!”

        Hindi lang si Sara ang umatras pati ang kanyang utol na si Baste na tumatakbong bise mayor ay umatras para mag-substitute sa kanyang Inday (ate sa kulturang Bisaya), bilang mayoralty bet.

At si Sara?

Malamang na ‘sipain’ ni Sara ang longtime aide ng kanyang erpat, na si Senator Bong Go, para tumakbong bise presidente. 

        Kung paano ito magiging ‘legal’ base sa patakaran ng kani-kanilang partido politikal e bahala na ang mga ekspertong political operator ng Duterte camp.

        Pero bago pa man ang filing ng certificate of candidacy (COC) ay malakas na ang higing na may naglalagay ng mga ‘pato’ sa puwestong target kasahan ng mga Duterte.

        Mukhang eksperto talaga sa sila sa “games of prostitute, ‘este’ substitutes.”

Huwag natin kalimutan na ipinangako ni Sara kay Bongbong Marcos ang suporta ng kanyang regional party na Hugpong ng Pagbabago sa presidential bid ng una sa kanilang pag-uusap sa Cebu City kamakailan.

Ayon naman kay Atty. Bruce Rivera sa panayam sa Frontline Pilipinas sa News5 kagabi, “She has always told me time and time and time again na she’s not running for president but ‘yung vice naging mas open siya.”

Si Atty. Rivera ay kilalang malapit na kaibigan ni Mayor Sara.

        Malakas din ang usap-usapan na kapag nag-substitute si Sara bilang VP bago o hanggang  Nobyembre 15, tapos na ang boksing.

        Tapos na raw ang eleksiyon, at selyado na para sa mga anak ng mga dating presidente, lalo’t ang nakakuha ng P535.99-milyong kontrata sa Commission on Elections (Comelec)  ay ang  F2 Logistics Philippines.

        Ang F2 Logistics Phils., ay sinasabing pag-aari ng Duterte crony na si Dennis Uy.

Si Dennis Uy ay Chairman & CEO ng Udenna Corporation, may negosyo sa “petroleum and retail, shipping and logistics, education, food, gaming and tourism, property development and management, infrastructure development, and energy.”

Batay sa financial documents ang F2 Logistics ay subsidiary ng Udenna Management & Resources Corp., sa ilalim ng Udenna Corporation.

        Ibig sabihin, ang mga nangyayari ngayon ay hindi lamang coincidences. Lahat ito ay planado at may kumpas mula sa sentro ng kapangyarihan ng kasalukuyang administrasyon.

        Kaya kung magwawagi si Bongbong Marcos, maging si Sara, kung susungkitin ang pagiging VP, dalawang bagay lang ang puwede nilang gawin, linisin ang mga ‘kalat’ at akusasyon laban sa pamumuno ng kanilang mga tatay…

        O ipagpatuloy ang mga ginawa ng kanilang mga tatay.

        Sa madaling sabi, sila ang mga buntot ng kanilang mga tatay.

May kasabihan ang mga Pinoy tungkol sa mga buntot: sa pagi, ang hagupit ay lumalatay at nag-iiwan ng mga peklat na nagmamarka habang buhay, at kumbaga sa bagyo, mas malupit humataw ang buntot ng papaalis na delubyo. 

Alin sa dalawa?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …