Saturday , November 16 2024

Sa Angono, Rizal
KABATAANG 12-17 ANYOS BINAKUNAHAN NG PFIZER AT MODERNA

TINIYAK ni Mayor Jeri Mae Calderon at Vice Mayor Jerry Calderon ng Angono, Rizal, na mayroong 500 bakuna ng Pfizer at Moderna para sa mga kabataang 12-17 anyos, ngayong araw ng Miyerkoles, 8 Nobyembre.

Kahapon Martes, 9 Nobyembre, inianunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Angono sa kanilang Facebook page na 500 bakuna ang nakalaan para sa mga residenteng edad 12-17 anyos na una nang nakarehistro sa online. 

Mahigpit na ipinatutupad ang no walk-in policy at tanging mga nakatanggap ng text confirmation ang babakunahan sa SM Center Angono. 

Ipinahayag ng lokal na pamahalaan na nasa 50 porsiyento ng target adult population ang bakunado na sa kanilang bayan.

Samantala, isinagawa ang groundbreaking ceremony kahapon sa itatayong tertiary hospital na Medical Center Angono sa Don Mariano Santos Ave., Brgy. San Isidro, sa nabanggit na bayan. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …