Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Ballesteros

Paolo sa IG o Pinterest kumukuha ng idea pang-OOTD

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

NAKATI-KATIHAN kong tsikahin si Paolo Ballesteros isang hapong pareho kaming tengga!

Kagaya ng anak ng kapitbahay niyang si Mamang Pokwang na si Malia, aliw na aliw ako na tingnan ang dekorasyon ng bahay niya na iba ang dating kapag naiilawan sa gabi na animo isang napakalaking gift box na may kay gandang ribbon.

Say ng Eat…Bulaga! host, “May nakita kc ako sa Pinterest ng ganyan sa ibang bansa. Nung lumalaki kc kme sa cabanatuan, di kme talaga nagdecorate pampasko kc sobrang liit lng ng bahay namen. 

“Meron lang kame yung maliit na christmas tree mga 3ft lng ata yon tas ang nakakabet don yung christmas lights na apple yung bumbilya. Un at un na un every year hanggang sa magcollege. 

“Kc gastos pa at maliit lng bahay magtakeup pa ng space. Kaya ngayon gusto ko naman iparanas sa anak, pamangkins, family yung feeling ng pasko season kaya gusto ko may christmas decor sa bahay. 

“Sila naman ang nakakaexperience non e kc ako naman lagi asa work gabe na ang uwe minsan lockin pa. 

“So sa decors naman, yung mga gumagawa ng costume at mga monster at sfx sa pelikula at teleseryes tiga antipolo lang den, kaya sakanila ko yon pinagawa at sila den nagset up. Pati mga christmas trees at decor sa loob ng bahay. Tas yung ribbon every year same pa den papaibaiba ko nlng sa kanila yung color hehe para tipid.”

Ibang pakiramdam nga ang hatid nito sa mga nakakakita.

Ang tagal na pala ni Paolo sa EB!

“2001 pa ako dito sa bulaga. Ang mga di ko malimutan yung mga travel abroad kc di naman ako makapunta iba ibang bansa kundi dahil sa eatbulaga.”

Sa pelikula, hindi na matatawaran ang mga ginawang katatawanan ni Paolo sa roles niya. What more is in store?

“Malapit na matapos ang “PoPinoy” namen ni maine sa tv5. Grandfinals na. Tas meron pa next na project pero secret pa bawal sabihin hihi. Malapet na kme magstart magtaping.”

Sa mga nagtatakbuhan ngayonnsa mundo ng politika, hindi mawawala ang pagtutulungan. Sino sa mga kumakandidato ang suportado ni Paolo?

“Shempre TITO SEN! For me a good leader is someone na may disiplina sa sarili. Kc pano mo madisiplina ibang tao if ikaw sa sarili mo walang disiplina.”

Sa panonood ko araw-araw kay Paolo sa Eat…Bulaga! inaabangan ko ang outfit of the day niya o OOTD. Super fashionista rin kasi ito na lahat naman ng isuot sa programa eh, aprubado. O, natutuwa lang talaga sa kanya si APT?

“Naghahanap ako sa pinterest at ig ng mga inspirationz hehe. Pagmeron ako nakita sa ig or pinterest, pinapatahe ko hehe. Kaya ayun, rampa!”

Such a breeze na halos araw-araw eh, walang humpay na nagpapasaya si Paolo at mga kasama niya sa EB! Daming beses ko na rin itong nakitang umiyak sa kuwento ng mga nagiging panauhin nila sa programa.

Isang ehemplo ng talentong iluluklok sa mga dapat na tingalain! Tatay pa ang LGBTQUA na ‘yan, ha!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …