Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, Man Leaving Sad Woman, magandang aktres

Magandang aktres abot-abot ang pagsisisi nang ‘mawala’ ang dating karelasyon

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

TRULILI kaya na nagsisisi ngayon ang magandang aktres dahil nawala sa kanya ang dating karelasyon dahil kasalanan niya.

Sa isang lock-in taping ng seryeng umeere ngayon ay napagkuwentuhan nina magandang aktres at kasama rin nitong artista ang tungkol sa past relationships nila at nagkakatawanan na lang dahil tapos na.

Pero ang magandang aktres ay biglang nalungkot nang banggitin niya ang ex-boyfriend niya na nanghihinayang siya dahil ipinagpalit niya sa inakala niyang mas liligaya siya at makakasama niya sa buhay.

“Makikita mo ‘yung lungkot sa mata niya, sabi niya kahit na magsisi siya tapos na,” tsika ng taong nakarinig.

Kasi naman ang ayos-ayos ng relasyon ng magandang aktres sa aktor noon at talagang mahal na mahal siya nito na talagang ipinaglaban pa sa pamilya niya dahil hindi boto sa kanya, against all odds nga ang drama.

Matino ang nobyo ng aktor ng magandang aktres pero tila naghahanap ng excitement ang huli kaya nang nagpunta ng ibang bansa ang boyfriend para sa isang show ay gumawa ng hindi maganda ang girl dahil sumama siyang mag-overnight sa hunk actor.

Pagdating ng Pilipinas ng nobyong aktor ng magandang aktres ay marami na siyang narinig na kuwento mula sa mga taong nagmalasakit sa kanya.

“Alam naman pala ni (aktor) noong nasa US siya na sumama ang dyowa niya kay (hunk actor) kasi nakunan ng video na naghahalikan at pinadala,” kuwento ng nakakarinig sa tsikahan nina magandang aktres at kasama niya sa serye.

Nag-usap sila at nauwi sa hiwalayan na sa simula ay okay naman, pero after 2 days pumunta si magandang aktres sa bahay ng aktor at humingi ng tawad pero hindi na siya pinatawad, hayun nagwala kaya pinuntahan ng guard ng subdivision para awatin.

Iyon na ang huling pag-uusap nina magandang aktres at dating nobyo hanggang sa itinuloy ng una ang paglabas-labas nila ng hunk actor na sa kalaunan ay hindi rin sila nagtagal dahil hindi naman pala seryoso ang huli.

Hanggang sa nagkaroon ulit ng boylet ang magandang aktres na inabot naman sila ng isang taon at naghiwalay din.

Sa kasalukuyan ay walang karelasyon ang aktres dahil career ang pinagtutuunan niya dahil kailangan niyang mabuhay lalo’t marami siyang bayarin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …