Saturday , November 2 2024
Tiktok, Bureau of Immigration

‘Tiktok’ ipinagbabawal nang talaga sa IOs on duty

BULABUGIN
ni Jerry Yap

PORMAL nang naglabas ng direktiba si Bureau of Immigration – Port Operations Division (BI-POD) chief, Atty. Carlos Capulong para ipagbabawal ang pagpo-post sa social networking site na “TikTok” ng mga video ng ilang immigration officers sa airport habang suot ang kanilang uniporme sa trabaho.

Unang nasapol ang mga miyembro ng POD tungkol sa bagay na ito matapos umabot sa kaalaman ng mga pinuno ng BI ang walang habas na pagrampa ng mga KSP o “Kulang Sa Pansin” na Immigration Officers (IOs).

Noon pa man ay nailathala na natin dito sa ating kolum ang isang IO na nagba-vlog tungkol sa “departure formalities” ng overseas Filipino workers (OFWs) pati ang mga dahilan kung bakit sila nao-offload sa immigration counters.

May iba pa sa kanila na kumakanta at nagsasayaw habang suot ang kanilang uniporme na kung pakalilimiin ay masasabing ‘conduct unbecoming’ para sa gaya nilang mga opisyal ng gobyerno.

Ipinag-utos na rin ni BI Commissioner Jaime Morente ang agarang imbestigasyon sa ilang mga miyembro ng BI-POD sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na sangkot sa nakalap na report.

“I was instructed by Commissioner Morente to hold these errant employees liable by forwarding their cases to our Board of Discipline (BOD) for investigation, and filing of the appropriate administrative cases,” saad ni Cabulong ‘este’ Capulong.

Aksiyonan naman kaya ito ng reyna ‘este’ hepe ng BOD?

Bukod sa pag-aura sa TikTok ay pinaaalalahanan din ang mga empleyado ng ahensiya na umiwas sa paggamit ng cellular phones at electronic gadgets habang sila ay nasa duty.

(Ang tagal nang may memo na no gadget while on duty ah?!)

Disyembre noong nakaraang taon nang unang ipag-utos ni Morente na bawal ang pagpo-post sa TikTok ng mga video ng mga empleyado na ibinabandera ang kanilang pagrampa habang suot ang kanilang uniporme.

 (By the way Comm. Mento ‘este’ Morente, kapag hindi ba naka-uniporme puwede nang mag-Tik-Tok?)

“Our policy on the wearing of the BI uniform is clear. As public servants, employees must proudly wear their uniform at all times, present a professional image to the public and observe proper decorum and good taste in all their actions while they are on duty,” ayon sa memo ni Morente.

Yown, sapol!

Bukod sa hindi magandang epekto na dulot ng “TikTok” ay nakapagpapababa rin ito ng imahen sa publiko para sa mga empleyado ng ahensiya!

Submarine pa more, guys!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …