Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rabiya Mateo

Rabiya kinarir ang pagpunta sa gym at pagbo-boxing

Rated R
ni Rommel Gonzales

MATAPOS ang kanyang unang acting project sa Gabi ng Lagim IX special episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, naghahanda naman si Rabiya Mateo para sa GMA action series na Agimat ng Agila 2.

Lumabas na ang balitang makakasama ng Miss Universe Philippines 2020 sina Sen. Bong Revilla Jr. at Sanya Lopez.

“Nagpapasalamat talaga ako kasi malaki ’yung tiwala na ibinigay sa akin ng team, ng GMA, para ibigay itong role sa akin,” ani Rabiya.

Kabilang sa paghahanda sa kanyang unang GMA series ay ang pagpunta sa gym at boxing.

“Na-e-excite rin po ako na makatrabaho ’yung mga beterano na sa field na ito kasi marami po talaga akong matututunan,” sabi pa ni Rabiya.

Nitong nakaraang Linggo, napanood si Rabiya sa kanyang unang acting stint sa KMJS Halloween special, na ginampanan niya ang isang dalaga na ginagambala ng isang maligno.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Rhodessa Montano Belen

Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 Rhodessa Belen tinulungan Philippine Delegates; Korona ipinasa sa bagong reyna

PORMAL nang nagtapos ang reign ni Rhodessa Montano Belen bilang Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 o sa ginanap na Mrs. …

Piolo Pascual Manilas Finest

Manila’s Finest minarkahan ikatlong sunod na MMFF project ni Piolo 

HARD TALKni Pilar Mateo NINEETEEN sixty nine. Ten years old ako. Elementary.  Aware naman na …

MMFF MMDA

MMDA pinamunuan premiere night ng 8 kalahok sa MMFF 2025  

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ng Metropolitan Development Authority (MMDA) ang patakarang ngayon sa mga premiere night ng …

Derek Ramsay The Kingdom

The Kingdom gagawing TV series, Derek Ramsay magbibida

I-FLEXni Jun Nardo GAGAWING TV series ang pelikulang The Kingdom na pinagbidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascualna ipinalabas last …

Celesst Mar

Fil-Am singer-songwriter iiwan America para sa local showbiz career

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAHILIG sa dagat at malaking bahagi ng kanyang musika ay nagpapakita …