FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
NANG mabalitaan ni Sam Milby na nasa hospital ang amang si Lloyd William Milby ay hindi na tinapos ng aktor ang trabaho niya dahil mula South Africa na may photo shoot sila ng kasintahang si 2018 Miss Universe Catriona Gray ay dumiretso na siya sa Ohio, USA.
Dumiretso naman ng Pilipinas si Catriona dahil may mga commitment siyang kailangang tapusin.
Klinaro ng kampo ng aktor na hindi COVID19 ang ikinamatay ng daddy niya at dala na rin siguro ng katandaan na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Oktubre 21 sa edad na 87 na tubong Dayton, Ohio USA.
Good thing nakapiling pa ni Sam ang ama noong kaarawan niya at pagkalipas ng halos dalawang linggo ay namaalam na nitong Martes, 6:00 p.m. oras sa Ohio at 11:00 a.m. naman sa Pilipinas.
Kasama ni Sam ang Ate Eda niya at inang si Elsie Ronquillo Lacia Milby nang malagutan ng hininga ang padre de pamilya.
Ipinost ng aktor ang larawang hawak niya ang kamay ng ama sa Instagram account nito, ”Rest in peace dad…. love you.”
Nagparating naman ng pakikiramay ang mga kaibigan at co-actors ni Sam sa showbiz industry.
Tulad ni @beaalonzo, ”my deepest condolences (emoji praying hands).
Ang aktor na si Edgar Allan Guzman, ”My deepest condolences brother (praying hands).
Sina Erickson Raymundo na manager nila ni Erik Santos ay praying hands.
“My deepest condolences brother,” mula naman sa singer/producer na si @gabvalenciano.
Si @andersongeraldjr, ”My brother, my deepest condolences.. Always here.”
Mula kay KC Concepcion, ”my family and I send our deepest condolences Samuel. until you meet again…”
“Hugs brother…” galing kay @jerichorosalesofficial.
“Oh no, I’m so sorry, Sam… sincerest condolences to you and yours,” say naman ni Lea Salonga.
Nakiramay din ang dating Presidente ng ABS-CBN na si Ms Charo Santos-Concio, ”My deepest condolences.”
Nabasa rin namin ang mga pangalan nina Joseph Marco, John Prats, Hero Angeles, Rodjun Cruz, Isabel Oli-Prats, Moira at iba pa na nakikiramay din.
At si Catriona, ”Always standing with you in prayer (emoji praying hands).”
Mula sa HATAW ang aming pakikiramay sa pamilya ni Sam Milby.