MATABIL
ni John Fontanilla
NALUNGKOT ang international singer na si Jos Garcia dahil hindi niya personal na nakuha ang kanyang tropeo sa katatapos na Philippines Best, Philippine Faces of Success 2021 na ginanap sa Teatrino Greenhills, San Juan City noong October 28, 2021.
Bagkus ang composer ni Jos na si Michael Delara at si Atty. Patrick Famillaranna na lamang ang tumanggap ng tropeo ni Jos.
Ginawaran si Jos bilang Outstanding Global Artist- Japan.
Kabilang din sa ginawaran ng outstanding personalities ay sina Boy Abunda, Theresa Loyzaga, Diego Loyzaga, Mayor Isko Moreno, Charo Laude, Mama Emma at Janna Chu Chu ng Barangay LSFM 97.1, Wilbert Tolentino, Cecille Bravo, Raoul Barbosa, Sarah Javier, Ima Castro, Aster Amoyo, Roldan Castro, Fernan De Guzman, Jak Roberto, Sanya Lopez, DJ Jaiho, Marlo Mortel, Jay Manalo, Wize Estabillo, Rom Burlat,Elwood Perez, Gladys Reyes, Aiko Melendez, Gina Pareño, Joey Abacan atbp..
Nagpapasalamat si Jos sa bumubuo ng Philippine Faces of Success 2021 lalong-lalo na kay Richard Hinola sa parangal na iginawad sa kanya.
Excited na nga si Jos na makauwi ng Pilipinas para makapag-promote ng kanyang bagong songs, ang Dito Sa Aking Isipan at Tangi Ka Sa Buhay Ko composed by Michael De Lara.