Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, Mystery Girl, Actress

Dalagitang aktres lumala ang pagka-maldita; Senior stars at production iritada

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

KAILANGAN sigurong pagsabihan o pangaralan ang dalagitang aktres na ito dahil hindi nito napipigilang topakin sa shooting ng teleseryeng ginagawa niya.

Matagal na naming alam na may ganitong ugali ang dalagitang aktres na ito dahil mismong mga close naming taga-production ang nagkukuwento at higit sa lahat ay personal na rin naming nakita na may pagka-maldita at inarte ito, pero inintindi namin dahil at that time ay may pinagdadaanan siya.

Ilang taon na ang nakalipas at stable na siya sa kanyang career at sa katunayan ay nakaipon na siya para sa pamilya niya pero parang lumala yata ang ugali.

“Kapag tatawagin mo na sa set, ang tagal mong maghihintay tapos wala sa mood. Iniintindi na lang siya kasi hindi naman lahat ng araw ay maganda ang gising mo, pero laging ganoon.

“Mga senior stars ang nag-a-adjust sa kanya? Hello, may napatunayan na ba siya? Sinuwerte siya na napabilang siya sa magagandang projects na ang nagdadala ay mga senior star na sinusuportahan siya. Eh, kung mag-isa lang naman siya, waley.

“Pansin mo, minsan sabaw kausap ulit-ulit tapos feeling ang galing-galing. ‘Yung ibang ka-edaran niya sa cast, hindi na lang siya pinapansin. Pero ang production staff, iritable to the max,” kuwento ng premyadong aktor na nakasama ng dalagitang aktres sa serye na natatawa sa antics nito.

Sa isang umpukan kasi ng mga magagaling na aktor at aktres ay nagkabiruan kung sino-sino sa set ang naaliw silang pagmasdan kapag takes na at kung sino ang may mga attitude at sabay gagayahin nila ang acting at salita. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …