Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Athena Madrid, Max Collins, Rocco Nacino, Carla Abellana

Athena tumatatak ang mga linyang binibitawan sa bagong serye

Rated R
ni Rommel Gonzales

“YOU cheated on Kuya! And then you were shot with a man that you were screwing.”

‘Yan ang mga binitawang salita ni Grace na buong husay na ginagampanan ng GMA Artist Center talent na si Athena Madrid sa seryeng To Have And To Hold.

Tumatak sa puso at isipan ng mga manonood ng GMA Telebabad ang eksenang ito lalo’t ipinaalala ni Grace sa kanyang sister-in-law na isa siyang certified cheater.

Sa isang panayam sa kanya, nagkuwento ito kung paano siya naghanda sa scene na ito ng kanyang primetime series.

Aniya, “Of course, workshop and siyempre nanghingi rin ako ng advice sa mga co-star, kay Ate Max [Collins], Kuya Rocco [Nacino], Ate Carla [Abellana], sa mga iba pang cast na kasama ko and of course kay Direk [Don Michael Perez].”

Isinalarawan din ng StarStruck alumna na “surprising” each night ang napapanood niya sa To Have And To Hold at mas lalong kapana-panabik kompara noong binabasa lamang niya ang kuwento sa script.

Paliwanag ni Athena, “Sobrang layo and sobrang unexpected, kasi ‘di ba ‘pag sinu-shoot mo kasi ‘yung sequences. Hindi mo malalaman or hindi mo masyado maiintindihan ‘yung story, kasi iba-iba siya, eh.

“Like, iba-iba ‘yung pagkakasunod-sunod ng sequences, so ‘pag ako pinanonood ko, nasu-surprise ako. Sobrang ang gagaling, kung paano siya pagsunod-sunurin ng director. Doon pa lang ma-apply mo na agad kung ano ‘yung story na gusto ipakita ng ‘To Have And To Hold.’

So, sobrang nasu-surprise ako sa bawat eksena talaga,” sinabi pa ni Athena.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …