Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lalaking walang face mask nakipagbugbugan sa simbahan

Lalaking walang face mask nakipagbugbugan sa simbahan

Kinalap ni Tracy Cabrera                                      

LAKEWOOD, WASHINGTON — Isang video mula sa isang church service sa Washington state ang nag-viral makaraang humantong sa bugbugan  ang  sapilitang pagpapaalis sa isang lalaking walang suot na face mask na pumasok subalit hiniling ng pari na lumisan dahil sa paglabag sa polisiya ng pagsusuot ng proteksyon mula sa coronavirus.

Makikita sa video si Father Paul Brunet na tumigil sa pagbabasa ng liturhiya para himukin ang isang lalaking nakaluhod sa harapan: “You are in trespass,” wika ng pari.

Nang hindi sumunod ang lalaki, sinabihan  ni Fr. Brunet ang ibang naroroon sa simbahan ng Saint Frances Cabrini Parish sa Lakewood, Washington na “tawagin ang mga security guard.”

Dangan  nga lang ay tumindig ang lalaki at lumapit sa pulpit at nagsabi: “Keep your hands off me.” Una rito ay sinabihan na rin ang lalaki na huwag mag-trespass sa simbahan dahil nilalabag niya ang batas sa Washington at gayun din ng Lakewood na kailangang magsuot ng face mask kapag na sa loob  ng isang gusali.

Subalit nagpumilit ang lalaki na hindi umano siya “trespassing.”

“Can somebody please call 911?” hiling ni Fr. Brunet s a may 20 dumalo sa simbahan at pakiusapan  ang lalaki na lumisan na. Hinatak ng ilan ang lalaki at ditto na nagkagulo.

Ayon sa Lakewood Police Department, nagan ap ang insidente bandsang katanghalian at isang tagapagsalita ang nagtestigo na “gumawa ng kaguluhan” ang lalaki.

“The church began having problems with a parishioner whose son attended school there. He began acting irrationally and creating disturbances,” punto ni Lieutenant Chris Lawler.

“At the request of the church, we served the male a criminal trespass notice … the male returned to the church and created another disturbance,” dagdag nito.

Kalaunan ay inaresto ang lalaki at kinasuhan ng first-degree criminal trespass subalit pinakawalan din matapos na magbayand ng kanyang piyansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …