Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alfred Montero

Alfred Montero, maganda ang takbo ng showbiz career

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TAMPOK si Alfred Montero sa pelikulang Takas: Death Wish ni Direk Jose ‘Kaka’ Balagtas na nagkaroon ng Digital World Premiere noong Oct. 24. Kasama ni Alfred sa pelikula sina Jamaica Balagtas, Bobby Henzon, Airah Zobel, Amay Bisaya, Isadora, at iba pa.

Inusisa namin si Alfred hinggil sa pelikulang pinagbibidahan.

Esplika ng aktor na kalook-alike ni Rocco Nacino, “Ang Takas po ay tungkol sa nang-rape at pumatay sa asawa ng main character. Papatayin na rin po sana ako pero nabuhay ako, kaya noong nabuhay po ako, yung nagligtas sa akin ay tinuruan akong bumaril at makipaglaban. Ginamit ko po ang lahat ng natutunan ko para maipaghiganti yung asawa ko sa gang na gumawa po ng kawalanghiyaan sa kanya.”

Dagdag pa ni Alfred, “Naka-online streaming po ang Takas, puwedeng i-click ang direct link to purchase Takas: Death Wish exclusive VIP E-tickets https://www.iamrad.app/ss-takas-vip, buy your E-tickets now.”

Una niyang project ang Nagalit ang Patay sa Tagal ng Lamay, Da Resbak, directed by Zaldy Munda and Carlo Montero.

Ang next na project na aabangan kay Alfred ay ang Security Academy, starring Jeric Raval, Ricardo Cepeda, Janice Jurado, Pamela Ortiz, Bing Davao, Tom Olivar, Mutya Datul, AJ Raval, at iba pa. Kabilang din dito ang Nardong KwagoFredo 45 ng TondoSexy KumandosHuling Tiktik ng AswangBuryong, at iba pa.

Si Alfred ay host din ng online game show na Bigatin Show.

Sinong artista ang dream niyang makatrabaho? “Dream ko pong makatrabaho yung idol kong sina Phillip Salvador, Richard Gutierrez, Dennis Trillo, at Ian Veneracion. Sa mga almost ka edad ko naman po ay sina Daniel Padilla at Enrique Gil. Sa mga babae po ay sina Kathryn Bernardo, Angel Locsin, Toni Gonzaga, pati po si Maja Salvador.”

Ano ang wish niyang mangyari sa kanyang showbiz career?

“Wish ko pong tuloy-tuloy ang blessing ni Lord na maraming projects ang pumasok. Makilala po at medyo kumita para po makatulong po sa ibang mga tao po, through different movements and donations po,” masayang lahad pa ni Alfred.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …