Sunday , December 7 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Travel Ban Covid-19 Philippines

Travel ban exemption ng DFA, pinagkakakitaan nga ba?

BULABUGIN
ni Jerry Yap

NGAYONG unti-unti nang ibinababa ang CoVid-19 alert level sa karamihan ng lugar sa Filipinas, ito na ba ang hudyat upang ibalik sa normal ang sigla ng turismo sa bansa?

Sa ngayon ay kabi-kabila ang advertisement ng Department of Tourism (DOT) upang hikayating magbalik ang mga turista sa iba’t ibang tourists destinations gaya ng Boracay, Panglao, at Palawan.

Ang mga lugar ng Tagaytay at Baguio City ay nauna nang nagbukas ng kanilang mga atraksiyon upang pasiglahin ang turismo sa tinatawag na Summer Capital of the Philippines.

Ang mga karatig-bansa sa Asya gaya ng China, Taiwan, at Thailand ay binuksan na rin para sa mga turista sa kondisyong dapat sila ay kompleto sa bakuna.

Ang Filipinas bagama’t above normal level pa rin pagdating sa kaso ng CoVid-19 ay nakikiramdam kung susugal na papasukin ang mga turistang banyaga o ‘di kaya ay gamitin ang sitwasyon upang iwasang matuloy ang eleksiyon sa darating na 2022?

Sa totoo lang, ang mataas na antas ng CoVid-19 ang pinakamadaling dahilan upang hindi matuloy ang halalan sa Mayo.

Sa ngayon ay hindi naman problema kung kailangan pa ang hudyat ng Inter-Agency Task Force (IATF) para payagan ang pagpasok ng mga banyaga sa bansa.

Kinakailangang ang bawat papasok na foreigner ay makakuha ng ‘travel ban exemption’ sa Department of Foreign Affairs upang hindi na magkaaberya sa mga airport.

Actually, tila naabuso na nga ang sistema at sinasabing kahit hindi raw “legit” or potential investors at may existing 9(g) visa ay binibigyan na ng exemption sa DFA.

 “If the price is right?”

Kahit ipagtanong pa ninyo sa mga tirador na IOs diyan sa NAIA T3 at T1.

So, what is the use, para pag-isipan pang i-allow o hindi ang turismo sa bansa kung mayroon din namang tinitingnan at kinikilingan?

Much better na buksan sa lahat para bumalik ang normal na ekonomiya.

Matira na lang ang matibay sa CoVid-19. Kaysa naman ilan lang ang nakikinabang?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

DOST-CALABARZON DOST CAR Santa Rosa, Laguna

DOST CAR leads the benchmarking in Santa Rosa City to advance smart and sustainable initiatives

Through the coordination of DOST-CALABARZON, the Local Government Unit (LGU) of the City of Santa …

DOST PNP VAWC

DOST Region 2 Champions Youth Engagement and Gender Advocacy in VAWC Campaign Event

As part of the nationwide 18-Day Campaign to End Violence Against Women and Children (VAWC), …

2025 Asian Youth Para Games Dubai Philippine Paralympic Committee PPC

Delegasyon ng Pilipinas, nakatakdang lumipad patungong Dubai para sa 2025 Asian Youth Para Games

NAKATAKDANG bumiyahe patungong Dubai, United Arab Emirates sa Linggo, Disyembre 7, at Lunes, Disyembre 8, …

PSC Pato Gregorio Mark Lapid John Rey Tianco

Top foreign players, nagkumpirma ng paglahok sa PH Women’s Open 2026

NAKATAKDANG  i-host ng bansa ang Philippine Women’s Open mula Enero 26 hanggang 31, 2026 sa …

Gianni Infantino FIFA Futsal

“Just Fantastic”: Infantino, pinuri unang FIFA Women’s Futsal World Cup sa Pilipinas

ANG pinakamahuhusay na manlalaro sa mundo at ang pinaka-masigasig na mga tagahanga ay tunay na …