Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kylie Padilla, Alas Joaquin Abrenica, Axl Romeo Abrenica

KYLIE PINURI NG PARI
(Tungkulin bilang asawa at ina nagampanan)

HATAWAN
ni Ed de Leon

PATI iyong isang pari na nagmisa noong Lunes ng umaga sa aming simbahan, hindi natiis na hindi banggitin si Kylie Padilla at ang napanood niyang interview sa telebisyon noong Linggo ng gabi. Sinabi ng pari, na bagama’t ang pag-iisang dibdib nina Kylie at Aljur Abrenica ay hindi isang Catholic marriage, iyon ay ginanap lamang sa isang garden. Si Kylie noon ay sumunod pa sa pananampalatayang Islam ng tatay niya, at ni hindi nga nabanggit o naipakita man lang sa mga lumabas na pictures kung sino ang ministrong nagkasal sa kanila, ”nagampanan nang mahusay ni Kylie ang tungkulin ng isang asawa at isang ina,” sabi ng pari.

Nakatawag kasi sa pansin ng marami na bagama’t inamin ni Kylie na marami siyang tiniis na sakripisyo noong panahon ng kanilang pagsasama ni Aljur, na halos ikawindang niya at natuto pa siyang maglasing, nanatili siyang tahimik at pinagtatakpan kung ano man ang mga atraso ng kanyang asawa alang-alang sa kanilang dalawang anak.

Inamin ni Kylie na dahil sa mga nangyari ”wala na iyong pagtingin,” pero hindi niya hinayaang mawala ang kanyang respeto sa hiniwalayang asawa, kaya nga ayaw pa rin niyang magsalita ng laban doon sa kabila ng hindi totoong paratang na una niyang tinorotot ang asawa. Ang sinasabi lang ni Kylie, ayaw niyang mawala ang respeto ng kanyang mga anak sa tatay nila. Iyon din ang dahilan kung bakit noong una ay nagkasundo silang huwag nang kumibo tungkol sa kanilang paghihiwalay, para hindi gaanong maapektuhan ang mga bata.

Ang problema ay sa kanilang dalawa lamang at ayaw na nilang may madamay pang iba, lalo na nga ang kanilang mga anak.

Nalaman lang naman iyon ng publiko nang masabi ni Robin Padilla sa isang interview, na siyang dahilan para ma-bash nang husto si Aljur, lalo na nang masyado siyang naging visible sa pakikipag-date sa kanyang syotang si AJ Raval. Ang ginawa ni Aljur, ipinasa ang sisi kay Kylie, na maliban sa pagsasabing hindi totoo ang bintang sa kanya ng hiniwalayang asawa, wala na siyang binanggit na ano mang bagay na ikasisira niyon kasi nga, ”ayokong mawala ang respeto ng mga anak ko sa tatay nila.”

Sinabi pa niyang bagama’t siya ay may kakayahan at gagawin naman niyang palakihin ang kanyang mga anak sa kanyang sariling pagsisikap, hindi naman niya maikakaila na si Aljur ang tatay ng kanyang mga anak.

Kaya nga mas dumami pa ang fans ngayon ni Kylie, dahil sinasabi nga nila na isang magandang example siya sa mga ina, lalo na iyong nahiwalay din sa kanilang asawa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …