Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ramon Villarama, Snooky Serna

Snooky ‘di feel ang politika

Rated R
ni Rommel Gonzales

WALANG kaplano-plano si Snooky Serna na pasukin ang mundo ng politika.

“No, hindi talaga, it’s not in my personality to join or to desire to join politics.

“Pero noong kabataan ko may mga nag-e-encourage sa akin pero talagang hindi ko gusto,” pahayag ng aktres.

Ang karelasyon ni Snooky na si former Bulacan Vice-governor Ramon Villarama ay tatakbo sa nalalapit na eleksiyon.

“He is running for Congressman sa Bulacan, sa District 6; Norzagaray, Sta. Maria, at saka Angat. And I’m very happy for him kasi I know he’s going to be a good public servant.”

Si Snooky naman ay masaya sa pagiging aktres.

“Oo, iyon talaga. Gusto ko lang siyang suportahan, I just wanna give him the moral support sa kanyang magandang adhikain at tsaka kung… if God will, na ako naman ay makatutulong in my own little way then so be it.

“But kung ako mismo sa sarili ko ang magiging nasa politika, it’s not my cup of tea.”

Ang pag-aartista talaga ang mundo ni Snooky. Katunayan, kasali siya bilang si Susan sa cast ng Stories from the Heart: Never Say Goodbye ng GMA.

Tampok dito ang mga karakter nina Joyce at Bruce na ginagampanan nina Klea Pineda at Jak Roberto.

Kasama rin dito sina Lauren YoungMax EigenmannKim RodriguezArt AcunaPhytos RamirezMosangLuke Conde, at Herlene Budol. Mula ito sa direksiyon ni Paul Sta. Ana at associate director Pam Miras.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …