TATLONG sikat na social media personalities — ang 25-year-old na si Dr. Kilimanguru, host DJ na si Jhai Ho, at ang komedyanteng si Kiray Celis — ang nag-share kung paano sila natutulungan ng Globe at bakit ngayon ang #BestTimeWithGlobe.
Kilala bilang si Dr. Kilimanguru, si Winston Tiwaquen sa tunay na buhay ay isang lisensiyadong doktor. Labis siyang kinagigiliwan ng mahigit sa 5 milyong followers niya sa TikTok at Facebook dahil sa mga simpleng payo at impormasyong pangkalusugan na hatid niya.
“Best time with Globe is all the time! Very convenient ang Globe because I get to upload my educational videos. ‘Pag wala akong access sa Internet, Globe data is enough. Most importantly, I get updates from my patients regarding their lab results, kaya nakapag-a-advise ako agad kung ano ang next steps na gagawin nila,” pahayag niya.
Ayon kay Dr. Kilimanguru, malaki ang bahagi ng Globe para mapanatili siyang updated at konektado hindi lang sa kanyang mga pasyente at mga fans. Nakatutulong din ang Globe sa kanya at sa kanyang pamilya para hindi masyadong maapektohan ng mga restrictions ng pandemya.
“Kahit limited ang interactions natin ngayon, Globe has always kept me in touch with my family and friends. Kahit hindi kami nakapag-i-interact face-to-face, constant communication with them through Globe helps maintain the foundation of our relationships,” dagdag ni Kilimanguru.
Sa kabilang banda, puno ng magagandang memories si DJ Jhai Ho sa mahigit 10 taon niyang pagiging customer ng Globe.
“Ayuda! May pa-Globe Rewards ako! Omygosh! Grabe mga besh! It’s been more than 10 years na pala since I’ve been with Globe! Since high school pa talaga! Proud Globe user here!” masayang pahayag ni Ho.
Si Kiray naman ay halos lumaki nang kasama ang Globe, pero dahil sa magagandang serbisyo nito ay lalong naging makabuluhan ang kanyang relasyon dito.
“Globe ang may pinakamalakas na signal kahit saan ako magpunta sa Filipinas. Laking tulong nito dahil mabilis kong ma-contact ang pamilya ko. Kumustahan man o emergency, perfect ang Globe signal. Isa sa mga improvements na nakita ko ay ang pagbilis ng mobile data na common na ginagamit ko sa pag-update sa aking social media. Ang feature na gusto ko ay ang Globe Rewards. Basta mapa-prepaid load or postpaid user, lahat may points na magagamit pang- redeem ng products and promos,” paliwanag ni Kiray.
Bukod sa mga promo, mayroon din perks at rewards ang Globe gaya ng device deals, plan discounts, at SIM samplers. Maaari rin mapakinabangan ng mga customer ang mga digital platform gaya ng GCash at healthtech services na KonsultaMD at HealthNow.
Puwede rin nilang ma-enjoy ang flexibility ng Globe Postpaid sa tulong ng bagong GPlan na punong-puno ng mahahalagang benepisyo para sa mga customer.
Maraming mga abot-kayang Globe Prepaid promos para sa mga customer na gustong malaman ang mga latest buzz sa internet, gayundin ang iba’t ibang #SamahangPinaEasy promos para sa mga TM customers. May mga Globe products at serbisyo rin para sa maliliit at malalaking negosyo.
Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goal No. 9 tungkol sa kahalagahan ng impraestruktura at pagbabago tungo sa pag-unlad ng ekonomiya. Nangako ang Globe na isusulong ang mga prinsipyo ng United Nations Global Compact at 10 UN SDGs.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph.