Sunday , December 22 2024
Yassi Pressman, JC Santos, More Than Blue

Yassi ok manirahan sa Siargao pero…

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ni Yassi Pressman na gusto niyang manirahan sa Siargao, pero ng ilang buwan lamang. Hindi nga naman puwedeng for good na siya roon dahil narito ang kanyang trabaho sa Manila gayundin ang kanyang pamilya.

Pero sobrang na-enjoy talaga ni Yassi ang pagbabakasyon niya sa nasabing isla.

Sa virtual media conference ng pinakabagong pelikula ng Viva Films, ang More Than Blue kasama si JC Santos natanong namin siya may plano na rin siyang manirahan sa Siargao.

“Tumira po, of course, for a couple of months pero forever, I think I would have to still stay in my city because nandoon po ‘yung pinakamamahal kong trabaho which is acting,” sagot ng aktres.

Puwede rin siyang mag-stay ng matagal sa Siargao kung may gagawin siyang teleserye o pelikul roon.

“That was nice kasi it was unplanned. I learned how to surf.

“And for me, that experience was amazing because gustong-gusto ko po ‘yung bagong adventures. I love trying new things. I love challenging myself,” ani Yassi.

Kuwento pa ni Yassi sa adventure niya sa Siargao, nahirapan siyang pag-aralan ang surfing bukod sa nakapapagod, grabe ang sakit na nakuha niyang sunburn.

“Surfing is so hard. Sabi ko, akala ko athletic ako, hindi pala. Ang hirap. Everything hurt. And then ‘yung sunburn pa. So inside your body, outside everything hurts. But I found myself going back every day. And I love the challenge,” masayang kuwento pa ni Yassi.

At ang isa sa hinding-hindi malilimutan ni Yassi sa pagbabakasyon sa Siargao ay ang mga nakilala niyang ng mga tagaroon na naging kaibigan  niya kahit sa maikling panahong pamamalagi niya sa isla.

“I saw the people. When you get to talk to a lot of local people, mas naiintindihan mo po ‘yung kultura nila. Mas nae-explore natin ‘yung mga island natin.

“I wanted to explore more of our own pride. And Siargao is the pride of surfing of the world, almost. It’s great to talk to people ng experiences nila.

Saman­tala, ang More Than Blue ay idinirehe ni Nuel Naval na siya ring direktor ng adaptation ng comedy-drama film na Miracle in Cell No. 7. Ang More Than Blue ay isang panibagong Philippine remake ng Korean romantic drama na dudurog sa ating mga puso. Ito ay mapapanood na sa Nov. 19.

Ang More Than Blue ay kuwento nina K at Cream na kapwa ulila, nakatira sa iisang tahanan pero walang romatikong ugnayan sa kanilang dalawa. Si K ay inabandona ng kanyang nanay nang mamatay ang tatay nito dahil sa kanser, habang si Cream naman ay namatayan ng buong pamilya dahil sa car accident.

Excited si Yassi sa panibagong pelikula. At kahit pa natanggap niya ang parehong Korean at Taiwanese versions nito bilang reference, may pag-aatubili siyang panoorin ito. Sa halip, gusto niyang natural na makabuo ng sarili niyang version ng Cream.

Kasama rin dito si Diego Loyzaga at si Miss Universe Philippines 2013Ariella Arida na kapwa may mahahalagang papel sa makadurog-pusong papel sa movie.

Ang More Than Blue ay South Korean drama classic na ipinalabas noong 2009, in-adapt naman sa Taiwan noong 2018. Mainit ang naging pagtanggap dito, sa katunayan naging domestic highest-grossing film ito ng Taiwan na may halos $300-M gross sa taong iyon.

Naging worldwide phenomenon ito na may blockbuster screenings sa mga East Asian countries kabilang ang China, Hong Kong, Malaysia, at Singapore, at nakapagtala bilang highest-grossing Taiwanese film sa mga bansang nabanggit.

Panoorin ang Philippine adaption ng More Than Blue sa Vivamax, available ito online sa web.vivamax.net.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …