PAGKARAANG ma-postponed ang Vietnam SEA Games na mangyayari sana mula 21 Nobyembre hanggang 2 Disyembre ng kasalukuyang taon, itutuloy ito sa Mayo 2022.
Ang nasabing balita ay tiniyak ng Vietnam organizers sa nangyaring online meeting ng SEA Games Federation na nilahukan ng mga bansang miyembro ng pederasyon.
Hindi ilalarga ang 31st SEA Games sa orihinal na petsa sa kahilingan na rin ng Vietnam organizers dahil sa paglobo ng kaso ng CoVid-19 sa kanilang bansa.
Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, anomang araw ay ilalabas ng host country ang kompirmasyon ng eksaktong petsa ng biennial meet.
Nakatakdang ilabas ng Vietnam organizers ang mga guidelines na may kaugnayan sa pagsigwada ng 2022 SEA Games nang ligtas sa bagsik ng CoVid-19.
Defending champion ang Filipinas na dinomina ang 2019 SEA Games edition na lumarga sa bansa noong 30 Nobyembre hanggang 11 Disyembre.